ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang ‘nagbabagang’ Isla sa Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakarating na ba kayo sa “misteryosong" lalawigan sa Visayas region na noong panahon ng mga Kastila ay binansagang nilang “nagbabagang Isla?" Taong 1565 nang maispatan ng grupo ni Miguel Lopez de Legaspi ang lalawigan ng Siquijor na noong una ay pinangalanan na Isla del Fuego o “Island of Fire" dahil sa liwanag na dulot ng mga alitaptap. Itinuturing misteryoso ang Siquijor dahil sa mga istorya na maraming "manggagamot" at engkanto na naninirahan sa lalawigan. Katunayan, isinasagawa ang mga ritual sa paggawa ng “gayuma" at mga “agimat" tuwing Semana Santa. Nagsimula ang Siquijor bilang bahagi lamang ng Bohol sa ilalim ng kontrol ng mga Kastila mula 1854 hanggang 1892. Pagkaraan nito ay nalipat ang Siquijor bilang bahagi ng Negros Oriental. Taong 1971 bago ito naideklarang independent province.-GMANews.TV

Tags: pinoytrivia