ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tatlong sanggol bawat minuto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinatayang 2.34 percent ang population growth rate ng Pilipinas bawat taon o tatlong sanggol ang iniluluwal sa bansa bawat minuto ayon sa listahan ng National Statistics Office (NSO). Sa talaan ng NSO, ang total population ng Pilipinas noong Mayo 1, 2000 ay umaabot sa 76,504,077 tao. Katumbas ito ng pagtaas ng 7,887,541 tao (11.50 porsiyento) sa kanilang talaan noong 1995 na umabot sa 68,616,536 tao sa Pilipinas. Kung magpapatuloy ang ganitong datos ng taunang pagdami ng Filipino, inaasahang na 1.8 milyon tao ang madadagdag sa populasyon ng bansa bawat taon o 4,947 tao bawat araw, o 206 tao bawat oras. Ngayon 2007, ipinapalagay na aabot sa 88,461,700 ang populasyon sa Pilipinas, at 93,506,600 naman pagsapit ng 2010.-GMANews.TV

Tags: pinoytrivia