Bayaning ‘lumilipad’
Ang kakayahang magpalipat-lipat sa ibat-ibang lugar sa isang iglap sa âtulong ng hangin" ang pinaniniwalaang agimat na taglay ni Francisco Sendrijas na mas kilala sa kasaysayan ng bansa sa tawag na âFrancisco Dagohoy" ng Bohol. Ayon sa mga historian, nakuha ni Francisco ang tawag na âDagohoy" na ang kahulugan ay pinagsamang âdagon" o agimat at âhoyohoy" o hangin. May mga kuwento na kayang tumalon ni Dagohoy sa matataas na lugar at malalaking pagitan. May kakayahan din umano si Dagohoy na makakita sa dilim kaya mahusay itong makidigma sa gabi. Mayroon din umanong agimat na âtagabulag" o pagiging "invisible man" ang bayani ng Bohol. Dahil sa kanyang kabayanihan, kinilala si Dagohoy bilang pinakadakilang bayani ng Bohol. Si dating Pangulong Carlos P. Garcia na isa ring Boholano ang humiling na ipangalan kay Dagohoy ang isang bayan sa lalawigan. Naglagay rin ng historical marker sa puntod ni Dagohoy sa kabundukan ng Danao sa Bohol.-GMANews.TV