ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

What are party-list groups up to?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Party-list groups have sprouted like mushrooms in time for the May 14 elections, with government critics alleging that some of these are backed by the Arroyo administration hoping to add votes to kill a possible new impeachment bid in the House of Representatives. Imbestigador, led by veteran broadcast journalist Mike Enriquez, probes what really is the agenda of these party-list groups. Imbestigador further delves into counter-claims that the opposition too has put up or back party-list groups to expand their Congressional allies. Working with the Philippine Center for Investigative Journalism, Imbestigador also digs up just what incumbent party-list groups have achieved in Congress. The program asks if these have advanced the interest of marginalized sectors that they are supposed to represent. Imbestigador also takes up the issues of political rivalry within the Romualdo clan in Camiguin, and the impact of the continued dominance of local politics Dimaporo and Espina clans in the provinces of Lanao del Norte and Biliran Island, respectively. Don’t miss Imbestigador’s election episode this Saturday, May 12 at 9:30 p.m. on GMA-7.


Imbestigador Ang huling pasabog ng Imbestigador tungkol sa Eleksiyon 2007, mapapanood dalawang araw bago ang botohan sa ika-14 ng Mayo. Sa pangunguna ni Mike Enriquez, hindi tinantanan ng Imbestigador ang mga isyung dapat nating isipin at timbangin bago tayo bumoto. Nagsulputang parang mga kabute ang iba’t-ibang mga grupong party-list. Marami sa kanila talaga namang makatawag pansin ang mga pangalan. Kagaya na lang ng Anak, Kakusa, Kasangga, Biyaheng Pinoy at Bantay. Pero ano ba talaga ang layunin ng mga grupong ito na nagnanais makapasok sa Kongreso? Dahil sa sunod-sunod na batikos sa pamahalaang Arroyo, marami ang nagsasabing mangingibabaw ang oposisyon ngayong Eleksiyon. Kapag nagkataon, tagilid daw ang grupo ng Administrasyon sa Kongreso. Kaya para raw madagdagan ang kanilang bilang, “nagpakawala“ diumano ng mga party-list ang kampo ni Pangulong Arroyo. Pero di rin daw nagpahuli ang Oposisiyon. Maging sila may mga party-list daw na “pinakawalan" para dumami ang kanilang kakampi sa Kongreso. Sa pakikipagtulungan sa Philippine Center for Investigative Journalism, aalamin din ng Imbestigador kung ano ang nagawa ng mga party-list na kasalukuyang nakaupo sa Kongreso. Talaga bang may naisulong silang mga batas para sa mga minoryang kanilang ipinaglalaban? Gaano katotoo na ang ilan sa kanila sariling mga interes lang ang pinagyaman? Sino ang mga party-list congressmen na lakas loob daw namili ng mga luxury vehicles matapos makaupo sa pwesto? Tatalakayin din ng Imbestigador sa Sabado ang umiinit na away politika ng pamilyang Romualdo sa Camiguin. Kasama rin sa kanilang ulat ang tuluyang paghihirap diumano ng mga probinsya ng Lanao at Biliran sa kamay ng mga namumunong angkan ng Dimaporo at Espina. Huwag palampasin ang espesyal ng ulat mula sa Imbestigador, ngayong Sabado, ika-12 ng Mayo, 9.30 ng gabi, sa GMA-7.