ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pag-raid ng pulis Maynila sa Iligan City kinuwestyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinuwestiyon ng isang kandidato ng oposisyon ang isinagawang raid sa campaign headquarters niya sa Mindanao ng isang grupo ng pulis na nagmula pa sa Metro Manila. Iniulat ng radyo dzBB na napansin ni Vicente Belmonte, tumatakbong congressman sa Iligan City, na naganap ang raid isang araw bago ang eleksyon, at wala man lamang koordinasyon sa lokal na pulisya. Ayon kay Belmonte, tumatakbo bilang congressman sa ilalim ng Genuine Opposition/United Opposition (GO-UNO), nangyari ang raid noong Linggo ng umaga sa Iligan City. "Naghain" ang mga miyembro ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ng search warrant sa headquarters ng kandidato (07-11298) na inisyu diumano ng Manila regional trial court branch 29. Natagpuan ng grupong nag-raid sa lugar ang isang shotgun na may 20 bala at isang .45 kalibre pistol na may walong bala, ngunit kinuwestiyon ni Belmonte ang pagkabigo ng grupo na makipag-ugnayan muna sa pulisya ng Iligan. - Mark D. Meruenas, GMANews.TV