ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Karaniwang problema tuwing eleksyon bumulaga sa mga botante


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumulaga sa mga botante ang karaniwalang problema tuwing halalan sa kanilang pagpunta sa mga presinto Lunes ng umaga. Kabilang sa mga problemang ito ang pagkakaantala ng pagdating ng mga election materials, nawawalang pangalan ng botante sa listahan at hindi makitang presinto ng kanilang pagbobotohan. Sa talaan ng Commission on Elections, tinatayang mahigit 45 milyong rehistradong botante ang susugod ngayon sa mga presinto para sa 17,834 posisyon sa gobyerno— mula konsehal hanggang senador. Bawat botante ay pipili ng 12 kandidato sa pagka-senador mula sa listahan ng 37 kandidato; isang kongresista na kasamang bubuo sa Mababang Kapulungan na may 219 regular members, isang party-list organization na magiging kinatawan din sa Mababang Kapulungan. Sa mga probinsya, maghahalal din ng isang gubernador at bise gubernador, mga kinatawan sa sangguniang panlalawigan, alkalde at bise alkalde at mga kasapi ng konseho ng syudad o munisipyo. Sa buong Pilipinas, 81 pwesto pagkagubernador at bise gubernador ang ihahalal, 118 city mayors, 1, 510 municipal mayors, 118 city vice mayors, 1, 510 municipal vice mayors, 770 provincial board members, 1, 314 city council members and 12, 092 municipal board members. Ngayong halalan, 23 bagong independyenteng teritoryo ang kasama sa botohan— dalawang bagong lalawigan (Dinagat Islands at Shariff Kabunsuan sa Mindanao), 13 bayan, at walong bagong legislative districts na nagkaroon ng sari-sariling mga opisyal sa pamamagitan ng magkakahiwalay na batas na ipinasa ng Kongreso mula 2004 hanggang 2007. - GMANews.TV