ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jolo to Bong: 'I'm very sorry, Papa'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naging madamdamin ang pagtatagpo ng mag-amang Senator Ramon "Bong" Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital ngayong Martes ng hapon, March 3.
 
Na-confine sa nasabing ospital si Jolo dahil sa tama ng bala habang naglilinis diumano ito ng baril noong February 28.
 
Bagamat may anggulo ring nagtangka diumanong magpakamatay ang 26-anyos na bise-gobernador ng Cavite dahil sa matinding depresyon.
 
Ngayong araw ay pinagbigyan ng Sandiganbayan ang urgent motion ni Senator Bong—na naka-detain sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot nito sa PDAF scam—na dalawin ang anak.
 
Ayon sa mga nakasaksi, napaiyak si Jolo nang makita ang ama at agad humingi ng tawad dito.
 
Sabi raw ni Jolo, "I'm very sorry, Papa."
 
Sagot naman daw ni Senator Bong, "We have to be strong, anak."

 
Binigyan ng limang oras si Bong, mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi, upang makapiling si Jolo.
 
Sa ngayon ay hindi pa masabi kung ligtas na sa kumplikasyon si Jolo pagkatapos sumailalim ng operasyon upang tanggalin ang bala sa kanyang kanang dibdib. —PEP