Filipino feels safe in war-torn Afghanistan
Hello po sa inyong lahat dâyan sa Pinas. Ako po ay isa lamang sa mga Pilipino na nandito sa Afghanistan. Gusto ko po ikwento lahat ng mga karanasan namin dito sa Afghanistan kahit mahirap, may bombahan, ay nakikipagsapalaran po kami dito, Marami po kaming Pilipino dito. Meron po kami ditong Filipino community. Bago ko po maikwento ang aking istorya dito, gusto ko po malaman kung totoo po ba na nagkaroon daw po ng travel ban ang mga Pinoy papunta dito? Kasi po nabasa ko po sa Pinoy Abroad news âyung nangyari sa babaeng namatay dito, Kung itutuloy po ng Philippine goverment ang travel ban, napakarami po naming Pinoy ang mawawalan ng trabaho at mahihirapang makabalik dito dahil sa nangyari sa babaeng namatay. Sa totoo lng po, hindi naman po Taliban or al Qaeda ang may kagagawan dun sa babaeng âyun. Siguro lang e oras na po nâya, Kung tutuusin po kasi, napakatahimik po dito at safe naman kaming mga Pinoy dito, kaya gusto ko po malaman kung totoo po âyung travel ban. Maraming salamat po, Sanaây masagot nâyo ang aking katanungan, at sa susunod ko na e-mail ang kwento naming mga Pinoy dito. Nazareth Baldoria