ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Tunay na kalayaan, kailan makakamtan?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa GMA Kapuso, Maraming, maraming salamat po. Nang dahil sa inyo ay nagiging updated po kami sa mga kaganapan sa ating bansa. At sa pagbubukas po ninyo ng Kwentong Kapuso, kaming pong mga OFWs ay naaabot po namin ang bawat isa sa pamamagitan ng kanya-kanyang kwento. May masaya, may malungkot, at nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa po sa amin, at ang aming mga tula na nagbibigay ngiti sa aming mga puso. To all GMA staff, kaming mga OFW ay inyong mga Kapusong totoo, at sa lahat ng katulad kong OFW, huwag mawalan ng pag- asa. Darating ang araw, mayroon din tayong masisilayan na kinabukasan sa ating bansa at lagi tayong magpasalamat sa ating Panginoon at laging dumalangin na ilayo tayo sa ano mang kapahamakan. At sana sa ’yo kabayan, isipin mo ang dahilan kung bakit ka nasa ibang bansa dahil sa kahirapan. At sana kung sino man sa inyo, sa halip na lokohin ninyo ang ating mga kababayan ay tulong ang ialay ninyo sa kanila, lalong-lalo na sa mga may asawa na nagpapanggap na sila’y walang iniwan sa Pilipinas para lamang makapanloko. Maawa kayo sa ating mga kababayan. May pangarap din sila. Salamat kapuso. Nomer Limin mula sa Iraq ***Kalayaan*** Nomer Limin (imverynicehonestperson@yahoo.com) Naalaala ko pa noong ako’y nasa elementarya Kaysarap banggitin ang mga katha ng Bayan Nangarap ako na ang kanyang kagandahan Saan mang sulok ay aking masisilayan. Ako’y Pilipino, taas noo kahit kangino Panatang Makabayan, iniibig ko ang Pilipinas Sa kanyang yumi at ganda Dayuha’y nahalina. Natutunan ko sa paaralan Ang kanyang kagandahan at kasaysayan Tunay na nakalulungkot ang sinapit ng ating Bansa Lalong – lalo na ang ating mga ninuno. Noon ang mga ninuno natin Buhay nila’y itinaya para sa Bayan Upang makamit ang kalayaan Ng pagiging isang Pilipino. Iba’t-ibang lahi ang sumakop sa ating Inang Bayan Sa kuwento ng Lola ko’y, karanasan nila’y Magpakailanman ay hindi malilimutan Sa aking pakikinig patak ng aking luha ang naramdaman. Hindi naman sila nabigo Kalayaan na ipinaglaban ay kanilang nakamit Umalis ang mga dayuhan at nilisan ang ating Bayan. At sa ika-12 ng Hunyo, 1898 ay nakamit ang kalayaan Ng pagiging isang Pilipino. Ngayon, 2007 na, panahon na ng makabagong teknolohiya Masasabi ba natin sa ating mga sarili na tunay ngang tayo ay malaya Kung taon-taon hindi mabilang kung ilang mga Filipino Ang lumilisan sa kanyang Inang Bayan Para hanapin ang kapalaran at makaahon sa kahirapan. Noon, itinaboy natin ang mga dayuhan Ngayon, kung saan-saang bansa tayo nakararating Para lamang makamit ang tagumpay sa ating buhay Nakapagtataka, ang mga Filipino kilala sa buong mundo Matalino, masipag, matiyaga, maasahan , maka-Diyos At may paninindigan, sariling bansa di kayang paunlarin. Sayang ang ipinaglaban ng ating mga ninuno Kung sariling lahi ay biktima ang ating Inang Bayan Dahil may mga taong makasarili. Kami kayang mga OFW’s kailan kaya kami magiging malaya at makapiling ang mga mahal sa buhay.