ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
E. San Juan Jr. shares his poems about OFWs
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
It is an honor to receive compositions from an internationally renowned Filipino cultural critic, Mr. e. San Juan Jr., now residing in the United States. He has retired from Washington State University and the University of Connecticut as professor of English, comparative literature, and ethnic studies. Mr. San Juan sent us two of his poems. (These poems will be used in German translation in a feature film on Filipina domestics -centering on some Filipinas with problems- directed by the German director/producer Hella Wenders to be completed by the end of this year, and then released worldwide - ESJ Dear Editors: You might find the attached two poems useful for KWENTONG KAPUSO--as an expression of OFWs different from the usual stories you have so far featured. Author's bio-data is at the end of the two poems. Maraming salamat. SONNY SAN JUAN, Jr. BALIKBAYANG SINTA 1. LUMIPAD KA NA PATUNGONG IRAK AT AFGHANISTAN ni E. San Juan, Jr. Lumipad ka na patungong Roma at London Balisang nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip Lubog sa alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod Lumipad ka na patungong Riyadh at Qatar Sa pagkamulat kukurap-kurap sa pagtulog puso'y nagsisikip Binabagabag ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay Lumipad ka na patungong Toronto at New York Tinutugis ang biyayang mailap nabulusok sa patibong ng banyaga Sa ulilang pugad anong maamong pag-asa ang nabulabog Lumipad ka na patungong Chicago at San Francisco Kumakaway ka pa tiwalang may katuparang babati ng "Mabuhay!" Alinlangang luha'y naglambitin sa bahag-hari ng bawat yapos Lumipad ka na patungong Hong Kong at Tokyo "Di kita malilimot"--pumaimbulog ang tukso ng nabitiwang paalam Nabakling pakpak usok sa bagwis inalagwang talulot ng bituing nasunog Lumipad ka na patungong Sydney at Taipeh Ay naku, anong panganib ng gayumang sa pangarap nagkupkop Ibon kang nagpumiglas alay mo'y talim ng paglayang nilalangit Lumipad ka, O sintang mahal, ngunit saang kandungan ka lalapag? Bumabalik sa dalampasigang hulog ng iyong hinasang pagtitiis Aking kaluluwang hiniwa't ikinalat sa bawat sulok ng daigdig. 2. ELEHIYA MULA SA LEUVEN, BELHIKA Iiwan mo lahat ng iyong minamahal; ito ang palaso na unang ipinawawalan ng busog ng pagkataponâ¦. --Dante Alighieri Huli na raw ang lahat. Huli na, umalis na ang tren lulan ang gunita't pangarap. Huli na, lumipas na ang kamusmusan ng balikbayang naglagalag. Huli na, naiwan na tayo ng eruplanong patungong Tokyo at Los Angeles. Huli na, nakaraan na ang oras ng kagampan at pagsisiyam. Tumulak na, malayo na ang bapor patungong Hong Kong at Singapore. Nagbabakasakaling aabot pa ang kable--Sayang, di biro, nakapanghihinayang. Huli ka na sa pangakong pinutakti ng agam-agam at pag-uulik-ulikâ¦. Huli na, nahulog na ang araw. Itikom ang labi, itiim ang bagangâ¦. Kahuluga'y naanod-lumubog sa dagat Sargasso ng pagpapakumbaba't pagtitiis-- Pahabol ay di na magbubuhol--Tapos na ang pagsisisi't pagpapatawadâ¦. Walang taga-ligtas ang lalapag sa tarmak mula sa lobo ng iyong pangarap. Huli na nga, nakaraos na ang kasukdulan, di na maisasauli ang naibigay. Sinong manlalakbay ang magkakaila upang mahuli ang katotohanan? Mailap pa sa mabangis na hayop na nasukol, bumabalandra sa rehas--- Mailap pa sa hibong nagpupumiglas--Saan ka nanggaling? Saan pupunta? Paos, hapo, dayukdok, gasgas ang siko't tuhod, gumagapang mula sa guwang-- Maghulihan tayo ng loob, Estranghera, hinihintay ang ligayang walang kahulilip. _______________ TUNGKOL SA AWTOR Nailathala kamakailan ng Bucknell University Press ang isang bagong libro ng mga mapanuring sanaysay ni E. San Juan, Jr., katulong sa Philippine Forum sa New York at tagapamahala ng Philippines Cultural Studies Center, sa Storrs, Connecticut, USA. Ang pamagat ng libro ay Working Through the Contradictions: From Cultural Theory to Critical Practice. Ang nakaraang mga akda ni San Juan, ang Beyond Postcolonial Theory (Palgrave/Macmillan), at Racism and Cultural Studies (Duke University Press), ay lumikha ng magsigabong kontrobersiya sa loob at labas ng akademya. Ang bagong aklat niya ay naglalahad ng matinik na kritika ng U.S. interbensiyon sa ibaât ibang lupalop ng daigdig na nakabalatkayo sa ideolohiya ng âglobalized neoliberalism." Noong 2003, siyaây nagsilbing Fulbright professor of American Studies sa Katholieke Universiteit Leuven sa Belgium, at visiting professor of English sa Wesleyan University. Kamakailan, si San Juan ay naging visiting professor of literature and cultural studies sa National Tsing Hua University at nagpanayam sa pitong pamantasan sa Taiwan. Noong nakaraang taon inilunsad ang dalawang libro niya sa Maynila: Himagsik (De La Salle University Press) at Tinik sa Kaluluwa at iba pang akda (Anvil). sa 2005 ilalabas ng University of the Philippines Press ang bagong kalipunan ng mga tula niya: Sapagkat Iniibig Kita. More Videos
Most Popular