ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Katotohanan ang daan tungo sa kalayaan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

KATOTOHANAN Sa diwa ng tao, una'y katapatan Kung ang nakatanim ay katotohanan; Pinagtagni-tagning kasinungalingan, Mga pangyayari ang nagpapatunay ! -o0o- Katulad ng mga kaganapan ngayon, Sa nilisang bansang marami ang gutom; Mga kabulukang kusang nangangamoy sa pamamahala'y pilit binabaon ! -o0o- Sa naghihikahos...walang paki-alam, Ang mga bihasa sa kapabayaan; Masamang gawain ay pinagtatakpan, ng maraming ganid sa panunungkulan ! -o0o- Kasinungalingang bumihag sa diwa, ay katotohanan ang magpapalaya ! -F.Rey Pacheco Winnipeg, Manitoba, Canada