GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Nakapuwesto sa tatlong sangay ng gobyerno

June 26, 2007 8:18pm
Kilala nyo ba kung sino ang tanging opisyal ng Pilipinas na nagawang makapuwesto sa tatlong sangay ng pamahalaan?

Ang gobyerno ng Pilipinas ay binubuo ng tatlong sangay. Ito ay ang Executive branch (Ehekutibo o Malacanang), Judiciary (Hudikatura o Korte) at Legislative (Kongreso o Lehislatura).

Si dating Pangulong Jose P. Laurel lang ang tanging pinuno ng bansa na nagawang mapuwestuhan ang tatlong sangay na ito ng gobyerno.

Panahon ng pananakot ng Amerika nang manungkulan si Laurel bilang mahistrado ng Korte Suprema. Pagkaraan nito ay nahirang siya bilang Secretary of the Interior sa ilalim ng pamumuno ni Governor-General Leonard Wood.

Itinalaga rin si Laurel na Secretary of Justice ni dating Pangulong Manuel Quezon. At panahon ng pananakop ng Japan nang maging pangulo siya ng Pilipinas. Taong 1953 naman nang manalo siyang senador. - GMANews.TV