GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Babala ng DoH: Mag-ingat sa pagkaing mula sa Tsina

June 29, 2007 5:31pm
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga mamimili laban sa posibilidad ng panganib sa kalusugan ng mga pagkaing mula sa Tsina.

Inilab as ang babala sa gitna ng mga balitang may halos 200 kumpanya ng pagkain doon ang isinara dahil sa paggamit ng mga mapanganib na sangkap tulad ng formaldehyde, illegal dyes, at industrial wax.

Ang formaldehyde ay isang kemikal na ginagamit na pamatay ng bacteria at amag, maging preserbatibo ng bakuna.

Pinayuhan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga namimili ng mga produktong galing sa Tsina na suriin muna kung may Bureau of Food and Drugs (BFAD) certificate of product registration numbers ito bago bumili.

"If there is no BFAD seal then don't buy the food product because it could be risky. And when it comes to our health, we shouldn't be taking any risks," a, ni Duque.

Hiniling din ni Duque sa publiko na tangkilikin na lamang ang mga produktong Pinoy bagamat higit na mura ang presyo ng produktong mula sa Tsina.

"Buying these cheaper products is more problematic. We're happy at first because we save money, but we end up cursing after our family gets ill," dagdag ng Health Secretary.

Kinumpiska na rin ng mga kawani ng customs ang mga produktong pagkain mula sa Tsina na hinihinalang ginamitan ng mga industrial chemicals.

Ayon sa inisyal na impormasyong nakaabot sa kalihim, ang karamihan sa shipment ng produkto ay mga biskwit at iba pang produktong may harina.

Subalit hindi kaagad malinaw kung gaano nga ba kalaki ang volume ng shipment at kung may nakalalason nga bang kemikal ang mga nasabing produkto.

Nagpadala na ng mga BFAD health regulatory officers si Duque upang siyasatin kung ang mga pagkain ay mayroong sangkap ng formaldehyde, formalin, at kung anu-ano pang angkap na nagiging sanhi ng sakit na kanser.

Isinara ng Tsina ang may 180 food factories doon matapos matagpuan ng mga inspector na ginagamitan ng industrial chemicals ang mga candy at lamang dagat doon.

Ang pagsasara ay iniutos matapos ang malawakang crackdown sa mga produkto doon noong Disyembre na diumano’y nagre-recycle ng produkto o kaya’y gumagamit ng expired na pagkain, ayon sa China Daily.

Natagpuan ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine official na si Han Yi na mayroong sangkap ng formaldehyde, illegal dyes, at industrial wax ang candy, pickles, crackers at seafood doon.

Naging laganap ang pangamba ng international community matapos madiskubre na may mataas na lebel ng toxin ang at industrial chemicals ang mga produktong pagkain mula sa Tsina.

Ipinag-utos ng mga health officials sa Amerika na harangin muna ang tatlong uri ng isda—catfish, basa and dace—gayundin ang hipon at igat matapos matuklasang kontaminado ng mga drogang hindi pinapahintulot ng US ang mga nasabing seafood.

Ayon sa US Food and Drug Administration (FDA), sa sampling nila ng mga Chinese imported fish, nakita nilang may halong antibiotics na nitrofuran at fluoroquinolone, maging mga antifungal na malachite green at gentian violet ang mga ito.

Tinututukan nila ang paggamit ng fluoroquinolones, kabilang sa pamilya ng madalas na gamiting antibiotics sa tao na ipinagbabawal ng FDA sa lamang dagat upang maiwasang maging immune sa mga ganitong gamot ang mga bacteria.

"Clearly the addition of these drugs, it's a deliberate event," ani Margaret Glavin, FDA associate commissioner for regulatory affairs.

"If they stop adding them, the problem is going to go away," dagdag pa nito.

Bukod sa isda, binalaan din ng FDA ang mga mamimili tungkol sa lead paint sa laruang tren, depektibong gulong at toothpaste na may diethylene glucol, isang nakamamatay na sangkap na ginagawang antifreeze. Lahat ng nasabing mga produkto ay inaangkat sa Tsina.

Sinabi naman ng Tsina na ang kaligtasan ng kanilang mga binebentang produkto ay sigurado.

Ayon sa opisyal ng FDA, ang lebel ng droga sa mga lamang dagat ay mababa at hindi pinapayuhang itapon na lamang ang mga pinaghihinalaang seafood.

Hindi ito ang unang pagkakataon na amy ginawang ban sa pagkaing mula sa Tsina. Noong Mayo, tinigil ng FDA ang shipment ng frozen crab meat na nakitang marumi, inihaw na igat na may mg ahindi ligtas na additive, tilapia fillets na may salmonella at isang hindi kilalang isda na pinangalanang hito sa balot nito. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV, may dagdag na ulat mula sa Associated Press
Go to comments