ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
4 patay, 20 sugatan sa aksidente sa Sarangani
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang pampasaherong sasakyan ang nalaglag sa bangin sa probinsya ng Sarangani na pumatay sa apat katao samantalang nasaktan naman ang 20, ayon sa inisyal na ulat ng radyo dzBB. Ayon sa balita, ang nahulog na sasakyan ay tinatawag na âweapon" na ginagamit upang bagtasin ang mga kabundukan sa probinsya. Ilan sa mga biktima ay dinala sa ibaât ibang ospital sa General Santos City, ayon sa ulat. Hindi pa kinilala ang mga biktima sa sakuna. Nagpadala na ng response teams ang mga opisyal ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) sa lugar ng aksidente. Ang âweaponâ ay isang sasakyan na may malaking hood at makina. Mayroon itong front-wheel drive design na tulad ng sa isang tangke, dagdag ng ulat. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV
Tags: saranganiaccident, sarangani
More Videos
Most Popular