ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Hirap ng buhay sa Dubai


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gusto ko lang ipaalam kung ano ang tunay na sitwasyon dito sa Dubai. May mga kababayanan tayong oportunista d'yan sa Pinas na sinasabi come to Dubai you will find a better job and good salary. Alam ninyo 'yung movie about Dubai? Hindi po nakatulong sa mga kababayan natin 'yan kundi nakasama pa nga. Ipinakita kasi sa movie na madaling makahanap ng work at malaki ang sahod. Mga kabayan ko, mas maganda ang tirahan ng mga squatters d'yan sa Manila kesa ng mga Pinoy na nakatira sa Satwa or Karama. Itong dalawang lugar na ito, dito ka makakakita ng maraming Pinoy. Saan ka makakakita isang kwarto na sampung tao sa loob ng isang CR, may ipis pa, at isama mo pa ang surot. 'Yung antok na antok ka hindi ka makatulog dahil sa kati ng kagat. Tapos binata't dalaga silang lahat. Kahit may asawa sasabihin binata o dalaga sila. Hindi mo ma imagine kung bakit ganoon dito sa Dubai. Ang mahal pa ng bayad sa bedspace, katulad din nating mga Pinoy na nagpapataasan ng upa. May nangyari pa na mag-asawa sila dito masasabi dahil wala silang pambayad sa isang kwarto kaya half-room ginagawa nila. Sa isang double deck, one couple sa taas at isa sa ibaba. Magaling ang Pinoy. Ganito ang sitwasyon. Magaling ang pagka-design na double parang kwarto talaga, may built-in exhaust fan. Kaya huwag kayo maniniwala sa kababayan natin sa Pinas na madali makanahap ng work dito. Kung may pamilya kayo dito na susuporta okey pa. Marami na ring kababayan natin dito ang kapit sa patalim. Nakikipagrelasyon sa ibang lahi para makapag exit lang sa Kish Island at para makapag-renew ng bagong visa for another two months. Pero may mga kababayan nating madiskarte. Nagka-carlift sila or nagtitinda ng kahit ano para lang hindi magutom. Sa mga hindi pinalad sa Dubai, hayun nasa Iraq na sila or Afghanistan. Obet - Dubai