GMA News Online
Showbiz

Robin Padilla gives life to komiks character 'Joaquin Bordado'

July 31, 2007 6:22am

Nag-launch last week ang Komiks Caravan ng mag-asawang Carlo J. Caparas and Donna Villa sa opisina ng National Commission on Culture and Arts (NCCA). Nais ng mag-asawa na ibalik ng Pinoy ang dating national pastime na pagbabasa ng komiks.

Anim na komiks at kung ilang nobela ang sabay-sabay na lalabas. Isa rito ang Joaquin Burdado na si Carlo Caparas mismo ang nagsulat.

Ito rin ang ikalawang soap opera ni Robin for GMA-7.

Dalawang soaps ang pinirmahan ni Robin sa Kapuso Network, the first being Asian Treasures with Angel Locsin. Binili na ng GMA-7 ang rights ng Joaquin Bordado for Robin's second project. Next year na ito masisimulan.

Ito ang dahilan kung bakit nasa presscon din ang ilang bigwigs ng GMA-7 sa pangunguna ng VP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante.

Malamang na bumili rin ng iba pang materials ang GMA-7 sa mga ilulunsad na nobela ng Komiks Caravan. - Philippine Entertainment Portal
Go to comments