ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pinoy side dishes, teeth vanity


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on September 29, 2007 Saturday 8:30 p.m. Pulutan Hindi kumpleto ang inuman kung walang pulutan, kaya naman mula sa pinaka-sosyal hanggang sa pinakasimpleng pika-pika, patok na patok talaga ang mga ito sa ating panlasa! Ang nakakatuwa pa, kamakailan lang ay gumawa ng recipe book ang dalawang Magdalo soldiers. Naglalaman ito ng mga paborito nilang pagkain at pulutan, kasama na rito ang Calamares ala Trillanes! Ang paboritong pulutang sisig naman ng mga Pinoy, alam nyo bang nagsimula pala hindi sa mga karne kundi sa iba’t-ibang prutas tulad ng mangga, bayabas at papaya?! Tunay ngang hindi na mawawala sa mga pinoy ang pagkahilig sa pagkain. Kaya naman iba-iba na ang naiimbentong pampalasa at pampasaya sa oras ng mga kasiyahan. Ngipin Sino nga namang hindi mabibighani ng isang matamis at maningning na ngiti? Kaya naman isa sa mga in-demand ngayon, laser teeth whitening. May kamahalan man daw, sigurado namang magliliwanag ang iyong ngiti! Pero hindi na lamang basta maputi, malinis at pantay na ngipin ang “in" ngayon! Nauuso na rin ang sari-saring mga palamuti at disenyo para lamang sa ngipin! Ngayon, pwede ka nang magpalagay ng mga brilyante o teeth jewelry sa iyong pearly whites! O kung gusto mo naman, pwede mo ring ipa-tattoo ang iyong pangalan sa mga makukulay na pasta! At hindi lang yan, usong-uso rin ngayon sa mga kabataan ang grills o teeth bling-bling – stainless steel o silver-made jewelry na para lamang sa ngipin! Bonsai Maliit mang maituturing pero kapansin-pansing parami ng parami ang mga taong nahuhumaling sa mga bonsai. Sa ganda ng itsura ng maliliit na dahon at liku-likong trungko nito… sino ba namang aayaw sa angking kagandahan ng mga mumunting punong ito? Ngunit ang nakahahalinang ganda nito ay pinaghihirapan. Ang mga top-of-the-line na klase ng bonsai, tulad ng bantigue ay matatagpuan sa ilang mga baybayin ng Ilocos Norte. Mula sa pagkakatanim nito sa mga corals at bato, kinakailangang hukayin at lagariin pa ang mga ito para lamang makuha. Mas malaki at mas liku-liko… mas magandam at syempre, mas mahal. Ang bentahan ng mga ito ay maaaring umabot mula P15,000 hanggang P150,000. Sa kabila nito, may kaakibat ding peligro ang pangunguha ng mga bantigueng ibo-bonsai lalo na sa kalikasan. Kung magpapatuloy ang walang habas na pangunguha sa mga ito ay maaaring magresulta sa tuluyan nitong pagkaubos. Comatose Ang comatose ay isang medikal na kondisyon kung saan tila mahimbing lang na natutulog ang pasyente. Pero sa pagkakataong ito, hindi sila magising-gising at walang nararamdamang kahit ano. Ang pagka-coma ay sanhi ng mga sakit tulad ng atake sa puso. Dahil dito, ang mga kamag-anak ng mga comatose, tila ba hindi rin magising sa isang sitwasyon na daig pa ang isang bangungot. Panoorin ang mga kuwentong ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa ika-29 ng Setyembre, Sabado, 8:30 ng gabi, sa GMA.