GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Palayaw ni Benigno Simeon Aquino Sr.

October 11, 2007 6:26pm
Kung “Ninoy" ang palayaw ng bayaning si Benigno Aquino Jr at “Noynoy" naman sa kanyang anak na si Sen. Aquino III, ano kaya ang palayaw ng taong pinagkunan ng kanilang pangalan na si Benigno Simeon Aquino Sr?

Si Aquino Sr, na isinilang sa Murcia, Tarlac noong Setyembre 3, 1894 ay nagsilbing kongresista at assemblyman sa Kongreso. Sumama rin siya sa pwersa ng mga lumaban sa pananakop ng US.

Si Maria Urquico ang unang asawa ni Aquino Sr kung saan nagbunga ang kanilang pagsasama ng apat na anak na sina Antonio, Servillano, Milagros, at Erlinda. Nang pumanaw si Maria, pinakasalan ni Aquino Sr si Aurora at iniluwal sina Maria Aurora, Benigno (Noynoy) Jr., Lupita, Teresa (Tessie), Agapito (Butz), Ditas at Paul.

Nag-aral si Aquino Sr sa Colegio de San Juan de Letran sa Manila at nagtapos ng abogasya sa University of Santo Tomas noong 1913. Sa sumunod na taon ay nakapasa siya sa bar exam at ganap na naging abogado.

Sakabila ng kanyang pagiging abogado, hindi nawala kay Aquino Sr ang hilig sa pagsasaka kaya tinawag siya sa Tarlac na “a lawyer by profession, a farmer by occupation."

Ngunit kung “Ninoy" ang tawag kay Aquino Jr at “Noynoy" kay Aquino III, “Igno" naman ang naging palayaw ni Aquino Sr na madalas itawag sa kanya ng kabiyak na si Aurora. - GMANews.TV