ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The world of the paranormal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on October 31, 2007 Wednesday late night after Saksi Naniniwala ka ba sa Multo? Naniniwala ka ba o 'di kaya ay nakakita ka na ng multo? Dapat ba silang katakutan? Totoo nga bang may elementals pang naglalagi sa mundong ibabaw? Alamin ang mga kasagutan kasama sina Prof. Jaime licauco, isang kilalang parapsychologist, author ng labindalawang libro tungkol sa paranormal phenomena at Philippine Mysticism. Si Licauco ang nagbuo ng Philippine Paranormal Society na ang pangunahing misyon ay imbestigahan ang iba't ibang paranormal experiences. Makakasama rin si Ermina India-de los Reyes, isang nagpapakilalang paranormal consultant, sampung taon na siya diumanong sinasapian ng masamang espiritu. Kabilang rin sa mga panauhin si Elizabeth Oropesa kilalang artista at ngayon ay tumutulong daw sa pagtuklas ng iba't-ibang klase ng paranormal experiences. Alamin kung tunay nga bang may hiwaga na bumabalot sa mga usaping kababalaghan, ngayong Miyerkules ng gabi kasama pa rin sina Mareng Winnie, Malou Mangahas at Miriam Quiambao, sa programang walang kinatatakutan - Palaban.