GMA News Online
Showbiz

Rainier Castillo shows skin in Kamandag

November 13, 2007 9:59am
Isang kakaibang Rainier Castillo ang ipinakilala sa presscon ng Kamandag kagabi, November 12, sa GMA compound. Naka-costume at topless ang young actor nang lumabas sa entablado.

Bilang si Ikoy, ang Taong Unggoy, na magiging bantay ni Vergel (Richard Gutierrez) sa mundo ng mga mortal, fully made up ang mukha ni Rainier complete with a headdress. Pero bukod sa kanyang Egyptian-inspired neck ornament, walang pang-itaas si Rainier exposing his lean body.

Kung wala mang abs na maipagmamalaki si Rainier, wala rin naman siyang tiyan at may umbok ang kanyang dibdib na bumagay sa kanyang well-formed biceps.

First time nag-topless sa kahit anong project si Rainier kung kaya't biniro agad namin kung ito ba ang preparation niya for another career change—a daring one.

"Ako magpapa-sexy, para ba namang bagay?" sabay tawa ni Rainier.

Later on, sa pangungulit namin, nag-iba ang pananaw ni Rainier.

"Depende naman siguro kung paanong pagpapa-sexy. Kung ganito lang, puwede naman," pahayag niya.

Tinanong namin si Rainier kung kaya niya na bang gawin ang ginawa ng kapwa niya StarStruck graduates na sina Mike Tan, Dion Ignacio, at Kevin Santos sa X Ray 2008 Calendar.

Natawa muna ang young actor bago sumagot ng "Hindi yata."

Inamin naman ni Rainier na mas pinapangalagaan niya ngayon ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagdyi-gym.

"Dati pa naman di ba? Alam n'yo ‘yon. Kaya lang sa bahay lang po, mayroon kasi akong mga equipment," sabi ni Rainier.

Sa ngayon, sumama na rin siya sa kaibigan niyang si Mark Herras na naka-enroll sa Gold's Gym sa Robinson's Galleria sa Ortigas. "At least, may kasabay kasi ako ngayon," pagtatapos ng young actor. - Philippine Entertainment Portal
Go to comments