GMA News Online
Showbiz

Benjie Paras: Jackie can visit the children anytime

November 13, 2007 5:14pm

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na pakinggan ang side ng comedian na si Benjie Paras tungkol sa visitation rights na hinihingi ng kanyang dating asawa na si Jackie Forster sa kanilang mga anak na sina Andrei, 12, at Coby, 10. Nakausap namin si Benjie during the press launch of GMA's latest fantaserye, Kamandag, last night, November 12, sa Studio 3 ng Kapuso Network.

Seryoso si Benjie habang kinakumusta namin ang kalagayan ng kanyang mga anak.

"My kids are okay with me now. Happy sila. They're doing good, especially in school. One-hundred percent ang support ko sa kanila," sabi ni Benjie.

Ano na ang arrangement nila ni Jackie when it comes to their kids?

"Actually, wala naman kaming arrangement ngayon," pag-amin ni Benjie. "Ako ang nanalo sa custody case ng mga bata kaya nasa pangangalaga ko sila. Puwede naman niyang kunin at dalawin anytime ang mga bata. Ang problema lang, ang mga anak namin ang ayaw talagang sumama sa kanya, kaya ano pa ang magagawa ko? Takot na sila sa mommy nila. Ang lumalabas tuloy palagi, ako ang masama dahil hindi nga sumasama sa kanya sina Andrei at Coby.

"Tapos na ang custody case, she got what she wanted. I paid her sixty thousand dollars, in three years ko naibigay 'yon. Masyado kasing malaki kaya nakiusap ako na 20 thousand dollars every year ang ibibigay ko. Natapos ko na 'yon."

Ayon pa sa kanya, "There was a time pa nga na noong pumunta siya sa house, nagtago sa ilalim ng mesa ang mga bata at ayaw talagang magpakita sa kanya," pagpapaliwanag niya sa totoong nangyayari sa kanyang mga anak at sa ina nito."

NO EXPLANATION NEEDED
. Paano niya ipinapaliwanag sa kanyang dalawang anak ang lahat ng ito?

"I don't have to explain to them what's happening between their mom and sa akin kasi, ever since, naiintindihan naman nila ang mga pangyayari. Nakikita nila ang katotohanan," sagot ni Benjie.

Kuwento pa ng comedian, " This year lang, tinawagan din niya [Jackie] ang mga bata sa phone at sabi sa kanya, ‘Sorry, Mom, we don't want to talk to you now. We will call you na lang some other day.

"Dati rin noong isinama ni Jackie ang mga bata, tumawag agad sila sa akin and saying ‘Pick us up na, Dad.' Nandun ang takot lagi ng mga anak ko kaya I think it's much better na sa akin na nga ang custody nila. I'm doing my job as a father to my kids and I know how happy Andrei and Coby with me and their stepmom.

"I just want to make it clear also na hindi ko ipinagkakait ang visitation rights ni Jackie. She knows the truth. Hindi ko aalisin ang karapatan niya bilang ina. Willing akong ipahiram at makita ng mga bata ang kanilang ina, but the problem is ayaw sumama ng mga bata sa kanya.

"We're both happy na with our personal lives at pareho na sana kaming mag-move on. Naiintindihan ko naman kung ano ang nararamdaman ni Jackie, pero sana huwag namang palabasin na ako ang masama sa lahat ng nangyaring ito. Wala akong sinasabi against her. I'm just stating the truth and I hope we will still give each other the respect that we deserved," pahayag pa niya.

Meanwhile, nai-share din ni Benjie na masaya siya sa piling ng bagong babaeng kanyang minamahal.

"I got married last year," masaya niyang pagbabalita. "Teacher siya at kaming dalawa ngayon ang magkatuwang sa pagpapalaki kina Andrei at Coby. Tahimik at masaya ang pamumuhay namin. We're also planning to have our own baby and sana soon ay magkaroon na ng addition sa aming family."

KING OF THE APES. With regards naman sa bagong show ni Benjie sa Kapuso network, happy siya at muli niyang nakasama si Richard Gutierrez Second time na raw niyang nakasama ang matinee idol, una ay sa Lupin. Sobrang bilib siya sa pagiging professional ni Richard dahil marunong daw itong makihalubilo sa lahat—mula sa mga artista, talents hanggang sa mga crew.

"Nakakatuwa ang role ko dito as Haring Dinggol, ang hari ng mga unggoy. Ang ganda ng costumes at make-up namin. Medyo mainit ang kasuotan namin but worth it dahil napakaganda ng project. Asawa ko dito si Alyssa Milano," kuwento ni Benjie.

Grateful din daw siya sa GMA dahil lagi siyang may projects at hindi nawawalan ng trabaho. Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang manager na si Manay Lolit Solis na nagha-handle ng kanyang career. - Philippine Entertainment Portal
Go to comments