ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The world of a schizophrenic


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 30, 2007 Friday late night after Saksi Mga naririnig na boses na galing sa kung saan, bantang panganib mula sa hindi makitang kaaway. Ganito ang mundo na ginagalawan ng mga taong may schizophrenia. May pagkakataon na saglit silang humihiwalay sa realidad at tila nabubuhay sa daigdig na tanging nasa isipan lamang nila. Kaya naman hirap silang kumilala kung ano ang tunay na nangyayari at laro lamang ng isipan. At madalas, ang akala nilang naririnig na bulong ng konsensya ay nagsusumigaw na palang senyales ng matinding karamdaman sa pag-iisip. Ganito ang naranasan ni "Mark", hindi niya tunay na pangalan. Ang dating masigasig na estudyante ay biglang naging tahimik na may pabugso-bugsong sumpong. Imbes na patingnan sa doktor, ikinulong pa siya ng sariling magulang sa kanyang kwarto, dahilan para lalong lumala ang kanyang kondisyon. Ang paglala ng ganitong sitwasyon, minsan ay humahantong ito sa malagim na katapusan. Gaya na lang sa kaso nina “Lydia" at “Nestor" na pawang may schizophrenia. Tinangka ni Lydia na lunurin ang anak na kapapanganak pa lamang. Si Nestor naman, ginilitan sa leeg ang sariling ina. Ayon sa mga eksperto, bihira na manakit ang taong may schizophrenia. Pero sa kabila nito, marami ang nananatiling nasa dilim sa ganitong kaalaman. Kaya si Charisse, gustong basagin ang stigma dala ng schizophrenia. Isa siyang guro na hanggang ngayon ay nakikipaglaban hindi lang sa karamdaman kundi pati na rin sa kawalan ng pang-unawa ng karamihan sa sakit. May pag-asa pa raw gumaling ang mga tulad niya. Ang schizophrenia ay isang sakit na maaaring dumapo kahit kanino. Madalas na makitaan ng matinding takot ang mga may schizopheria. Pero sa totoo lang, ang mas nakakatakot ay ang kamangmangan ng marami sa atin sa ganitong uri ng sakit. Ngayong Biyernes, sisilipin ng Emergency ang mundo ng mga taong may schizophrenia at babasagin ang mga maling akala tungkol sa ganitong karamdaman.