GMA News Online
Public Affairs

Christmas decors, Filipino-style

December 10, 2007 3:01pm
Episode on December 13, 2007
Thursday late night after Saksi


Tala ng Pasko

Kung may pambansang simbolo ang Pasko ng Pinoy, yan ay ang parol. Nagmula sa EspaƱa ang pagpa-parol o "farol" na ang ibig sabihin ay "ilawan". Ginagamit ito bilang ilaw ng mga Pinoy noon sa tuwing dumadalo ng misa de gallo.

Mula sa simpleng gumagabay na ilaw, nagkaroon na ng sari-saring gimik ang parol. May mga umiilaw, may higante, may sobrang liit, may gawa sa capiz, gawa sa kahoy at kung ano-ano pa.

Belen


Isa pa sa mga simbolo ng Pinoy sa paggunita ng pasko ay ang belen.

Tulad ng parol, sari-sari at kakaibang mga disenyo, hugis at materyal na para sa belen ang makikita ngayon.

Sa belen museum sa Marikina, makikita ang mahigit isang daang belen.

Puno ng Pasko


Hindi man tubong 'Pinas ang Christmas tree, inampon na rin ito ng mga Pinoy bilang nakagawiang palamuti tuwing Pasko. Mayaman man o mahirap, sikat man o hindi, mayroong Christmas tree.

Ang pamilya ni Jolina Magdangal, taun-taon ay may bagong pakulo sa Christmas tree. At sa bawat taon, pagarbo nang pagarbo ang disenyo.

Sa sobrang tuwa ng designer na si Ito Curata sa mga Christmas tree, hindi na niya naisip ang presyo. Mayroon siyang puno na gawa sa imported materials na nagkakahalaga ng P150,000. Angs tuffed toys Christmas tree naman niya ay umaabot ng P70,000.

Sa iba't ibang mga rehiyon, nagkaroon na rin ng Pinoy flavor ang mga palamuting isinasabit sa christmas tree. Mayroon ng gawa sa rattan balls, capiz stars, oregami na gawa sa banig, jeepney na paper mache at kabayo.