National ID system makatutulong sa mahihirap
Sinusuportahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando ang panukalang national ID system at iginiit na makatutulong ito lalo na sa mga mahihirap.
Inihayag ni Fernando nitong Lunes na sakaling maipatupad na ang national ID system, mas mapadadaling matugunan ang serbisyo sa mga tao sapagkat gagamit ng mga modernong teknolohiya imbes na mga logbook na maaring mawala, masira o madaya.
“What is more important here is that our bigger population of poor Filipinos stand to gain the bigger stake and share in the benefits of our country’s growth through an efficient identification system," pahayag ni Fernando.
Ayon pa kay Fernando, ang National Bureau of Investigation at ang Commission on Elections ay ang mga pinaka-akmang ahensya na hahawak ay magpapatupad ng panukalang sistema.
Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzalez na maaaring maiwasan ang pang-aabuso sa sistema ng national ID kung magiging maayos ang pagpapatupad ng mga alituntunin at patakaran sa proteksyon ng bawat tao.
"There may be basis [for their apprehensions] because [of] the fact that in our country, a lot of infringements of certain rights have been discovered. But as I said, you must weigh the benefits from the perceived evil, which people are scared about," ayon kay Gonzalez.
Nanindigan din si Gonzalez na dapat ay malaman ng publiko ang benepisyo ng pagkakaroon ng national ID system lalo pa’t makatutulong ang proyekto upang madaling matunton ang mga pinaghihinalaang rebelde o terorista. Bukod dito, mapabibilis din ang mga transaksyon ng mga tao sa gobyerno.
Ipinatutupad na ng gobyerno ang Executive Order 420 o ang unified ID system para sa mga empleyado ng government-owned and -controlled corporations matapos ibasura ng Korte Suprema noong 1998 ang national ID system dahil hindi ito naaayon sa Konstitusyon.
Napagdesisyunan ng korte na ang Kongreso lamang ang maaaring maghain ng panukalang batas para sa pagpapatupad ng national identification system.
Samantala, nagbanta ang mga militante na sasalubungin ng matinding batikos at protesta ang anumang hakbang ng Malacañang at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang national ID system.
"Bayan believes that the proposal of the AFP will be met with strong opposition and protests and will be defeated in any legal forum," ayon kay Renato Reyes, Jr., Bayan secretary general. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV

advertisement
advertisement
advertisement