GMA News Online
Public Affairs
»
I-Witness

I-Witness

Sea creatures of Silaki

January 18, 2008 9:34am
Episode on January 21, 2008
Monday late night after Saksi


Sea urchins or “uni" are among the most expensive dishes in Japanese restaurants. A single teaspoon of uni can cost P140 at the fanciest eating places. But Kara David discovers that in islands where the urchins are harvested, such as Silaki in Bolinao, one entire sack costs only P80.

The livelihood of the Padilla Family from Isla Silaki, depends on these sea creatures. After school, the three brothers stay up late to clean their father’s catch. On weekends, the boys harvest the urchins themselves, often wounding their hands in the process. They use their extra earnings as their allowance in school.

The fathers of Silaki take turns bringing their children to school in a neighboring island. Their bancas serve as the local schoolbus. But when it rains and the waves are big, none of the children can get to class.

People in Isla Silaki lives without electricity or running water. Which is why in their struggle to finish their studies and eventually leave the island, the Padilla brothers have become honor students.

Don't miss this story of these three brothers and sea urchin hunters on i-Witness airing Monday late night over GMA 7.



Ang uni o sea urchin ay isa sa pinakamahal na putahe sa mga Japanese restaurant. Ang isang kutsarita nito, P140 sa mga sosyal na kainan. Ngunit sa pinanggalingan nito – ang Isla ng Silaki sa Bolinao, kada sako ng sea urchin, P80 lang ang halaga.

Dadalawin ni Kara David ang pamilya Padilla ng Isla Silaki sa kanyang dokyu ngayong Lunes.

Ilang taon na silang umaasa sa sea urchin para sa kanilang kabuhayan. Pagkagaling sa eskwelahan, ang tatlong magkakapatid ay nagpupuyat sa pag-aayos ng mga huli ni tatay. Kung walang pasok naman, nagsasama-sama ang tatlo para manguha ng sea urchin sa laot. Pandagdag baon daw nila ito sa pagpasok, kapalit ang kanilang mga sugatang kamay.

Nagsasalit-salit ang mga ama ng Silaki sa paghahatid ng mga anak nila sa kabilang isla. Bangka ang nagsisilbing "schoolbus" ng mga bata. Kapag tumataas ang alon, napipilitan naman silang umabsent sa klase.

Tila napabayaan na itong isla dahil sa tagal nang walang kuryente at tubig. Kaya naman sa pagpupursigeng makapagtapos at tuluyang makaalis ng Silaki, naging mga honor student ang mga batang Padilla.

Ang kuwento ng tatlong magkakapatid ng Isla, abangan ngayong Lunes ng hatinggabi sa i-Witness.
Go to comments



I-Witness on Facebook
I-Witness on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement