GMA News Online
Showbiz

Japanese actor joins the cast of TV series Zaido

January 22, 2008 10:56am
Nagbigay ng dinner ang Zaido: Pulis Pangkalawakan production kagabi, January 21, sa isang Japanese restaurant sa Tomas Morato para ipakilala ang pinakabagong cast ng nasabing fantasy soap ng GMA-7 who will play Shigeki, a descendant of ancient Samurai warriors who will lead the attack of the Japanese sword fighters against the Zaidos—si Tai Tomoyuki.

Better looking in person si Tai, a 24-year-old full-blooded Japanese from Tokyo, only child to his parents who left his hometown in search for adventure.

Marami nang nagawang projects si Tai sa Japan, including commercials both in print and on TV, movies (Mirror Man Wife ang English title ng isa niyang pelikula), and TV (Hazime Hiroshi, Close Call SOS, Meringue Feelings, among others).

A sports enthusiast—two-wheeled motorcycle, specialty car surfing, snowboarding, four-wheel drift, skydiving, ski and clay shooting—hindi natanggihan ni Tai ang isang invitation sa Pilipinas last year for a sporting event and he stayed ever since.

While engaging in the sports he love, Tai got to do several showbiz rackets starting with being part of the Bench Fever 2006 show sa Araneta Coliseum and a male lead role sa MTV ng singer na si Aryanna para sa awitin nitong "Ulan."

From there, Tai became a staple of GMA-7 shows like "Moshi Moshi Chikiyaki" season episode ng Daisy Siete playing Koji, guest spots sa SOP at Takeshi's Castle, and even in ABS-CBN defunct sitcom John En Shirley and Dalawang Tisoy sitcom of RPN-9.

Bagama't may interpreter pa rin sa tabi niya, matatas nang mag-Tagalog si Tai at maayos din ang kanyang English kung kaya't hindi na nahirapan ang nag-interview sa kanya. Very jolly siya, always smiling and pleasant kausap. Sinasagot niyang lahat ang tanong sa kanya kahit madalas ay nasa-shock siya o natatawa sa mga katanungan.

Crush ni Tai si Marian Rivera dahil "maganda siya at magaling magsayaw."

Gusto niyang libutin ang buong Pilipinas. "Lahat islands pero Luzon pa lang ako," sabi ni Tai.

Pinakapaborito niyang Pinoy food ang adobo "at lahat ng prutas, pinakamasarap prutas Pilipinas tulad ng mangga, saging, buko."

Pero ayaw niya raw ng balot, lechon ("kawawa baboy") at bagoong ("konti lang"). Hindi niya pa alam ang dinuguan at papaitan, but when explained, hitsurang ayaw niya rin ang mga ito.

Ang pinaka-nakakatawa kay Tai, bagama't napaka-daredevil niya sa larangan ng sports and he even has pictures na nakasabit sa lumilipad na helicopter upside down, takot na takot si Tai sa mga local folklore natin gaya ng duwende, multo, at aswang.

"Sa Subic, dami multo. I can feel it. ‘Pag nagda-drive ako, sabi ko palagi tabi-tabi po," nakatutuwang kuwento ni Tai.

Hindi rin siya nanonood ng horror movies kahit alam niyang big movie export ang horror movies ng Japan ‘tulad ng Ring-O, The Grudge, at One Missed Call. Mahilig naman siya sa classics and was able to enumerate all the best films of the most popular Japanese director Akira Kurosawa: Ran, The Seven Samurais, Kagemusha, and Yojimbo.

Drama and action ang gustong roles ni Tai, pero puwede rin daw siya sa comedy. Winding pa lang ang Zaido ngunit naka-schedule nang mag-first taping day si Tai tomorrow, January 23, sa Batangas for Joaquin Bordado. - Philippine Entertainment Portal