GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Programa ng administrasyon nakatuon sa ekonomiya, kapaligiran at edukasyon - Arroyo

March 19, 2008 6:19pm

MANILA - Binigyang-diin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nitong Miyerkules na nakatuon ang programa ng pamahalaan sa pagpapalakas ng ekonomiya, malinis na kapaligiran at mataas na kalidad ng edukasyon.

"We live in a time of great moral challenges. The issues we champion define our being. We continue the fight for a strong economy to cut poverty dramatically. The fight for a clean environment and the fight for quality education are the highest imperatives of our time," pahayag ni Gng Arroyo sa kanyang Lenten message na ipinarinig sa mga himpilan ng radyo.

Sinabi ng Pangulo na ang Semana Santa ay panahon upang makisimpatya sa mga Filipino na naghihirap dahil sa "pagkakasala ng lipunan." Binigyan niya ng pansin ang mga Filipino na namumuhay sa kahirapan, krimen, gutom, sakit, at kamangmangan.

"Sa diwa ng Mahal na Araw bilang isang lipunan dapat natin silang kupkupin at pakainin, damitan at gamutin, papag-aralin at pagkalooban ng magandang kabuhayan at kinabukasan," ayon kay Arroyo.

Idinepensa rin ng Pangulo ang mga hindi popular na desisyon na ginawa ng kanyang pamahalaan, sabay sa paggiit na kailangan ng bansa ang isang lider na hindi takot na gumawa ng mabibigat na pasya.

Ayon kay Gng Arroyo, "beyond policies and programs, people want leaders who are God-fearing, pro-poor, unafraid to make tough decisions, hardworking and loyal to the people of the nation."

Idinagdag niya na "these are the values we live by. These are the values we expect to be judged on when we meet our Maker. We will fight for the economy, education and the environment."

Idinagdag ng Pangulo na patuloy na lalabanan ng pamahalaan ang katiwalian sa bansa.

Hiniling din niya sa mga Filipino na magdasal para sa pagkakaisa at kasaganaan. "Pagkalinga sa kapwa at pagbabagong-loob alang-alang sa Diyos. Ito ang angkop at napapanahong dalangin at pagpapabuong loob. Manalangin tayo para sa patnubay ng langit sa ating paghahanap ng landas tungo sa pambansang pagkakaisa at pagbabago tungo sa kapayapaan at kaunlaran." - Fidel Jimenez, GMANews.TV




advertisement
advertisement
advertisement