ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Moriones kids, Church's influence
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on March 25, 2008 Tuesday late night after Saksi Morion kids Report by Maki Pulido One of the most colorful festivals celebrated in the island of Marinduque is the Moriones Festival, a tradition said to be over two centuries old. Townspeople dress up as Romans and characters in the Bible wearing their âmorion" mask, an armor covering the face. Among those who act as morions are minors. But behind their masks, are tales of hardships and sacrifice. At an early age, they work as child laborers to support their needs. What future awaits these kids? The Church Report by Jiggy Manicad The Catholic Church has played a crucial and significant role in our nationâs history especially in previous people power revolts which toppled former leaders. These days, some church leaders are again in the forefront calling for the Presidentâs resignation though others detach themselves from the issue. Clearly, the Church appears not to share one voice. What are the ramifications of the active participation of some Church leaders in politics and the separation of church and state?
Batang Morion Ulat ni Maki Pulido Isa sa pinakamatandang pagdiriwang ang Moriones Festival sa Marinduque. Mahigit dalawang siglo na mula nang unang magsimula ang taunang selebrasyong ipinagdiriwang tuwing Semana Santa. Sa selebrasyong ito, nakadamit bilang mga Romano at tauhan sa Bibliya ang mga morion habang nakasuot ng maskara. Kabilang sa mga gumaganap na morion ay mga menor de edad. Pero sa likod ng maskara, kaniya-kaniyang kuwento ng paghihirap ang mga batang ito. Sa mura nilang edad, nagtratrabaho na sila upang suportahan ang kanilang sarili. Anong bukas ang naghihintay sa mga batang morion? Ang simbahan Ulat ni Jiggy Manicad Institusyong maimpluwensya at iginagalang ang Simbahang Katoliko. Malaki ang papel na ginampanan ng Simbahan sa mga nagdaang people power revolution na nagbigay daan sa pagpapalit ng liderato sa bansa. Hanggang ngayon, hindi maikakailang makapangyarihan ang Simbahan. Ang ilan sa mga pari, nangungunang muli sa mga panawagan ng pagbabago o kayaây pagbibitiw sa puwesto ng Pangulo. Habang ang iba, pinipiling dumistansiya sa takbo ng pulitika. Hati ang Simbahan kung tutuusin pagdating sa mga isyung ito. Ano nga ba ang epekto ng aktibong pagsali ng ilang alagad ng simbahan sa pulitika sa pagkakahiwalay ng simbahan at estado?

More Videos
Most Popular