ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Poverty and gambling
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on April 15, 2008 Tuesday night after Saksi Poverty in the city Report by Maki Pulido Behind the modern and fast-paced life in the city hides the grim face of poverty. A number of impoverished Filipinos are living in deplorable conditions. Because of extreme poverty, they endure living in cramped spaces and eating unpalatable food just to keep from being homeless and hungry. And this worsening situation is happening right in the middle of Metro Manila. According to Ibon Foundation's latest survey, seven out 10 Filipinos consider themselves poor. What has happened to the government's programs to combat poverty in the country? Las Vegas sa Pinas? Report by Jiggy Manicad As the government seemingly supports the proliferation of the gambling industry in the country, it is said that the Philippines will soon be called the Gambling Capital of Asia. STL, online gaming and casinos are just among the growing list of games run by the government. The latest addition to the list: the plan to establish a multi-billion dollar casino complex comparable to the popular gambling meccas of Las Vegas, amid opposition from various groups. Despite the government's campaign against illegal gambling, why does it seem to support the growing gambling industry in the Philippines?
Poverty in the city Ulat ni Maki Pulido Moderno at mabilis ang buhay sa siyudad. Sa kabila nito, nagkukubli ang mapait na kalagayan ng ilang Pilipino, mga Pinoy na nabubuhay sa kalunos-lunos na kalagayan. Dahil sa matinding kahirapan, masahol pa sa hayop ang kanilang buhay. Nakatira sila sa lungga na mistulang mga daga at ang kanilang pagkain, tila hindi masikmurang panawid-gutom. Ito ang lumalalang buhay ng ilang Pilipino na nangyayari hindi sa kanayunan kundi sa malalaking siyudad sa Metro Manila. Sa pinakahuling survey ng Ibon Foundation, lumabas na pito sa bawat sampung Pinoy ang nagsabing siyaây mahirap. Nararamdaman ba ang sinasabing kabi-kabilang programa ng pamahalaan kontra kahirapan? Las Vegas sa Pinas? Ulat ni Jiggy Manicad Gambling Capital of Asia. Ito raw ang magiging bansag sa Pilipinas sa kalaunan. Tila hayagan kasi ang pagpapalago ng pamahalaan sa industriya ng sugal sa bansa. STL, online gaming at ang dumaraming casino ay ilan lang sa bumubuo sa humabahang listahan ng mga mga larong pinatatakbo ng pamahalaan. Ang pinakahuli â ang planong pagpapatayo ng multi-billion dollar casino complex na maihahambing daw sa mga sikat na pasugalan sa Las Vegas. Tinutulan ng ilang grupo ang planong ito ng gobyerno. Sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga iligal na sugal, bakit tila puspusan naman ang pagpapalago nito ng ibaât ibang klase ng pasugalan sa bansa?

More Videos
Most Popular