GMA News Online
Public Affairs
»
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

Privacy, blogs, wooden scooters and pandesal

April 24, 2008 12:43pm
Episode on April 26, 2008
Saturday, 8: 30 p.m.


Invasion of Privacy

The video of a patient being operated on for having a perfume canister stuck in his behind created a public controversy after the video was uploaded to Youtube. It was very evident in the video that the doctors and nurses were laughing at the unconscious patient. After investigations, it was found out that the incident happened at the Vicente Sotto Memorial Medical Center in Cebu.

As a result, the credibility of some Filipino medical practitioners were again questioned. Why didn't they respect the privacy of their patient? In an age when video and camera phones have become easily accessible to almost anyone, how can we protect our right to privacy?

Blogs and diaries

People used to write in diaries when they need to express their thoughts and emotions.

But in this digital age, diaries are said to be passe because people have found a more advanced way of expressing themselves through blogging.

Contrary to the very secretive nature of diaries, blogs are very much open to anyone who has access to the internet.

Some bloggers say blogging is therapeutic and helps them get through some tough moments in their life such as the death of a loved one. But for some , blogs can either become a ticket to termination or a quick path to fame. Some bloggers who ranted about their jobs got sacked from work after their bosses read their entries. Meanwhile, Australian Brian Gorrell shot to fame after he revealed the secrets of some Filipino socialites in his blog entries. His blog has reached a million hits until it triggered a lot of controversy and eventually a lawsuit.

Unique transportation


Banaue is popular for the rice terraces. But aside from this natural wonder, a new kind of vehicle is grabbing some attention in the streets of Banaue -- wooden scooters. These scooters were first used to transport wood to local woodcarvers but now they are used for public transportation.

In Sitio Kabayunan, Bulacan, all dirt roads are not passable by cars or jeeps. Thus, the residents have resorted to a trusty animal for their means of transportation: the horse which is said to be capable of navigating even through steep slopes.

Pandesal

If we will declare the country's "national bread," the pandesal will surely be accorded this title. Whether it's for breakfast or snacks, the pandesal can be relied on to fill a hungry stomach. However, the price of flour is said to be on the rise and threatens to cause a price increase in pandesal as well. Because of this, some innovative bakers have come up with alternative ingredients for the Filipinos' favorite bread such as sweet potatoes and squash. Aside from helping to decrease the demand for flour, using these vegetables as ingredients for bread makes the pandesal healthier to eat. Are these vegetable breads the answer to the rising price of flour?




Invasion of privacy

Malaking usapin ngayon ang kumalat na video sa YouTube ng isang pasyenteng tinanggalan ng perfume canister sa kanyang likuran. Kitang-kita sa video na kuha mula sa camera phone, na habang walang malay ang pasyente, pinagtatawanan siya ng mga doktor at nars. Lumutang sa mga pagsisiyasat na naganap ang operasyong ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu. Dahil sa nasabing insidente, muling nakwestyon ang kredibilidad ng ilan sa ating mga medical practitioner. Bakit daw hindi nila nirespeto ang privacy ng kaso ng kanilang pasyente? Sa panahon ngayon kung kailan nagkalat na ang mga video at camera phone, paano nga ba natin masisigurong mapapangalagaan pa rin ang ating “right to privacy?"

Blogs at diaries

Usung-uso dati ang mga diary. Dito sinusulat ng may-ari ang lahat ng nilalaman ng kanyang damdamin at isipan. Pero napaglumaan na raw ang mga diary. Dahil ang kinalolokohan ngayon ng mga taong gustong isambulat ang kanilang kalooban --- ang pagba-blog! At kung dati, isang malaking lihim ang nakalagay sa mga diary, ang mga nakalagay sa blog ngayon open to public. Ina-upload kasi ito sa internet.

Para sa iba therapeutic ang pagba-blog. Ginagawa nila itong paraan para lagpasan ang mga madidilim na bahagi ng kanilang buhay, tulad na lang ng pagkamatay ng minamahal. Pero may ilan namang napapahamak. Nasisisante sila sa trabaho matapos mabasa ng kanilang boss ang mga hinaing nila sa kumpanya. Ngunit sa kaso naman ng blogger ng Australyano na si Bryan Gorrell, sumikat ang kanyang blog site sa buong mundo, matapos niyang ibulgar sa kanyang mga blog entry ang diumano’y gawain ng ilang mga kilalang tao sa alta sosyedad ng Pilipinas. Umabot na ng milyon ang hits ng kanyang blog. Hanggang sa nanganak na ito ng kontrobersya at demandahan. Patunay lamang ito ng malaking impluwensya at kapangyarihan ng mga blog ngayon.

Kakaibang Transportation

Kilala ang Banaue bilang tahanan ng tanyag na Hagdang Hagdang Palayan. Maliban sa makapigil hiningang tanawin ng Rice Terraces, may isa pa raw agaw eksena sa mga kalsada ng Banaue --- ang mga humaharurot na scooter na gawa sa kahoy! Ginagamit ang mga wooden scooter na ito para makapagdala ng kahoy na uukitin at lililukin sa kapatagan. Pero ginagamit din nila ito ngayon para kanilang sakyan.

Sa Sitio Kabayunan naman sa Bulacan, baku-bako ang daan. At dahil hindi ito kayang daanan ng mga simpleng kotse at jeep, mga kabayo ang kanilang sinasakyan. Kahit sa matatarik daw kasing daan maasahan ang mga hayop na ito. Kaya naman halos lahat ng bahay rito, may alagang kabayo.

Ilan lamang ito sa mga kakaibang moda ng transportasyon na ginagamit ng ating mga kababayan sa iba’t-ibang panig ng kapuluan.

Pandesal

Kung may maituturing man sigurong pambansang tinapay, tiyak na malakas ang laban dyan ng pandesal! Mapa-almusal man o miryenda, paborito itong lantakan ng ating mga kababayan. Pero kamakailan lang, kumalat ang balitang tataas na naman daw ang presyo ng arina na pangunahing sangkap pa man din sa paggawa ng pandesal. Dahil dito, sari-sari ang mga lumabas na mungkahi na pamalit sa pandesal. Katulad na lang ng kamote at kalabasa pandesal. Makakatulong daw ito na makabawas ng gastos sa harina, higit sa lahat masustansya pa! Ang mga tinapay kayang ito ang sagot sa nakatakdang pagtaas ng presyo ng arina
Go to comments



Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement