GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa Pilipinas nadagdagan

May 1, 2008 9:34pm
MANILA – Tumaas ang bilang ng mga dayuhang nag-aaral sa Pilipinas sa unang bahagi ng taon, ayon sa Bureau of Immigration.

Sa listahan ng BI, lumitaw na mula Enero hanggang Marso ay umabot na sa 8,881 dayuhan ang nabigyan ng student visa at permit ngayong 2008.

Ayon kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang naturang bilang ay mas mataas ng 63 porsyento kumpara sa katulad na panahon noong 2007.

"This development, on the increase in numbers of foreign students, is a vote of confidence by foreigners on the quality of our educational system," pahayag ni Libanan.

Idinagdag niya na ang naturang bilang ng mga dayuhang mag-aaral ay nagdagdag sa kaban ng bansa ng P16-milyon.

Sinabi ng pinuno ng BI na ang pagdami ng mga dayuhang nag-aaral sa Pilipinas ay magpapalakas sa imahe ng Pilipinas hindi lang bilang tourist destination kung hindi bilang premier education center na rin.

"Many of these foreign students initially came here as tourists before deciding to study here," aniya.

Nangunguna sa listahan ng mga dayuhang estudyante sa Pilipinas ay Koreans (4,717), kasunod ang Chinese (536) at Americans (222). - GMANews.TV
Go to comments