GMA News Online
Showbiz

Rufa Mae presents rumored boyfriend Bobby Lopez

May 5, 2008 12:52pm
Sinorpresa ni Rufa Mae Quinto ang buong staff ng Showbiz Central noong May 4 sa GMA Broadway Studios nang dalhin niya ang nababalitang boyfriend niya na si Bobby Lopez.

Ang Hong Kong-based American boyfriend ni Rufa Mae ay dumating sa bansa para um-attend ng isang business meeting at sabay na rin ang pagdalaw nito kay Rufa Mae. Tinupad nga nito ang kanyang pangako na ipapakilala niya ang kasalukuyang inspirasyon niya sa mga taga-Showbiz Central.

"Nag-promise naman kasi ako talaga sa buong staff na personally ay ipapakilala ko sila kay Bobby," nakangiting pahayag ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya bago ko siya ihatid sa airport, pinadaan ko na siya sa GMA Broadway kunsaan kami nagla-live ng Showbiz Central. ‘Ayun nagulat sila. Akala nila hindi ko tutuparin ang promise ko sa kanila."

BOBBY IN THE FLESH. Nagulat nga raw si Rufa Mae na may nagsulat na ilusyon lang daw ang nababalitang boyfriend niya na si Bobby. Bakit daw puro kuwento lang daw ito pero wala naman daw pruweba na totoo nga itong si Bobby.

"Naku, noong una, sinulat na break na kami. Ngayon, ilusyon lang daw. Nakakalokah, huh! As if alam nila ang nangyayari sa buhay ko 24/7!" sabay tawa ni Rufa Mae.

"Kaya hayan, in the flesh na dinala ko si Bobby sa studio. Hindi lang flesh kundi may dugo, laman, at humihinga pa! Siguro naman titigil na ang mga nagsasabi na nag-iilusyon lang ako, ‘di ba? Maging happy na lang sila sa akin na may bagong inspirasyon ako ngayon."

At dahil sa personal na dinala ni Rufa Mae si Bobby sa Showbiz Central, doon na rin ginanap ang isang exclusive interview ni John "Sweet" Lapus kay Bobby na kasama pa si Rufa Mae pagkatapos ng show.

"Napapayag ko naman si Bobby na magpa-interview. Nahihiya nga siya kasi nga hindi naman niya mundo ang showbiz. Pero dahil nga raw ako ang nag-request, pumayag siya. Abangan nila ang nakakatawang interview namin with Sweet sa darating na Linggo. Labanan ito ng English vocabularies. Inglesan-to-the-max kami!" malakas na tawa pa ni Rufa Mae.

At kung hindi raw mag-iiba ang mga plano, baka makapag-guest ng live pa itong si Bobby Lopez sa Showbiz Central.

"Depende kasi sa schedules ni Bobby. Parati kasi siyang lipad nang lipad sa iba't ibang bansa dahil sa nature ng trabaho niya. Pero he will try his best na ma-open ang schedule niya for Showbiz Central. Para live and exclusive siya, ‘di ba?"

DATING A CELEBRITY. Kuwento ni Rufa Mae, aksidenteng nagkakilala sila ni Bobby sa Hong Kong early this year. Nasa HK si Rufa Mae para sa isang seminar para sa kanyang travel agency samantalang si Bobby ay naka-base sa HK office ng Mattel, Inc. as finance executive.

"Ang pagkakakilala niya sa akin ay owner ako ng isang travel agency dito sa Pilipinas. Hindi niya alam na celebrity ako dito sa atin. Ayokong manggaling sa akin na artista ako. I want him to find that out for himself.

"Noong unang bisita niya sa akin dito sa Pilipinas, doon lang niya nalaman. Kasi noong mag-dinner kami sa labas, maraming lumapit sa akin at nagpa-picture. Nagtanong siya kung celebrity ba ako rito? Sinagot ko na, ‘Yes, I am.' Kaya dinala ko na siya sa mga trabaho ko. Natuwa naman siya kasi hindi niya alam na he's dating a celebrity. Parang pelikula, ‘di ba?"

Nang tanungin ng PEP si Bobby kung may iba pa siyang dine-date na babae maliban kay Rufa Mae, sinagot nito na wala. Si Rufa Mae lang daw ang dine-date niya exclusively.

"I'm not dating anybody except her," sabay ngiti ni Bobby. "I want to get to know her better and to get to know all her friends here. She has a fun job and I am looking forward for more surprises coming from her."

Marami pang kuwento si Rufa Mae tungkol sa magandang relasyon niya kay Bobby at mapapanood yan sa exclusively sa Showbiz Central lang sa darating na Sunday. - Philippine Entertainment Portal
Go to comments