GMA News Online
Public Affairs
»
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

Products made in China, lobsters and orchestras

May 8, 2008 9:47am
Episode on May 10, 2008
Saturday, 8:30 p.m.

"Made in China"

Recently, a container van of ginger was confiscated by the Bureau of Customs. If this shipment had escaped authorities, it would only be one of the many products sold in the Philippines that are "Made in China."

From personal items to food that can typically be bought from local stores, these China-made products are said to have good quality but are sold at a cheaper price. Although it has been beneficial for some consumers, the massive arrival of products made in China has adversely affected our local industries such as the shoe industry of Marikina and the textile industry of Taytay, Rizal.

Lobster

Aside from being nutritious, the lobster is also one of the most delicious kinds of seafood. However, lobster dishes can only be found in hotels and fine dining restaurants because of its steep price. In the same way, capturing these tasty sea creatures also comes with a steep sacrifice. In Quezon, a group of women brave the depths and dangers of the sea just to capture lobsters.

Orchestra

Indeed Filipinos have proven our natural talent in the field of music, not only in singing but also in playing musical instruments.

In Basista, Pangasinan, you'll find ten different groups of musicians or orchestras. They are often seen playing during fiestas or funerals.

These musicians are said to trace their roots from the Caranto family since the 1950s. As the Caranto clan grew, the family members put up their own orchestras all over Basista. Because of their growing number Basista has come to be known as the "Orchestra Capital of the Philippines."

Meanwhile, a group of Filipino children has given the country another reason to be proud. The Philippine Montessori Center Instrumental Ensemble composed of four and six - year old musicians have charmed their audiences with their awesome performance not only in the Philippines but also in America!




"Made in China"

Kamakailan lang, isang container van na naglalaman ng mga luya ang nasakote ng Bureau of Customs. Kung nagkataong nakapuslit ito sa mga awtoridad, tiyak na makakasama ito sa mga dagsa-dagsang produkto sa ating bansa na “Made in China."

Mula sa mga personal na gamit hanggang sa mga pagkaing mabibili sa ating mga pamilihan, marami sa mga ito, gawa mula sa Tsina. Maganda naman daw kasi ang kalidad nito at higit sa lahat, mura! Pero dahil sa pagdagsa ng mga produktong “Made in China" sa bansa, naapektuhan naman nito ang mga lokal nating industriya. Kasama na rito ang pagawaan ng sapatos sa Marikina at ang pabrika ng mga tela sa Taytay, Rizal.

Sa hirap nga raw ng buhay ngayon, marami talaga ang kakagat sa mga produktong mula sa Tsina, pero paano naman ang mga sarili nating industriya? Hindi kaya dumating sa punto na isang bansa na tayo na “Made in China?"

Lobster

Ang lobster o kung tawagin nati’y “banagan" ang isa na siguro sa pinakamasarap at pinakamasustansyang seafood na matatagpuan sa ating karagatan. Mahal ang presyo nito at kalimitang maoorder kung hindi sa hotel, sa mga mamahaling restaurant. Pero hindi raw biro ang pangunguha ng mga banagan. Sa katunayan, may ilang mga babae pa nga sa Quezon ang sumisisid sa dagat para lang makahuli nito. Tikman ang sarap ng seafood na ito. At saksihan na rin ang pait at hirap na pinagdaraanan ng mga sumisisid ng banagan.

Orchestra

Isa sa mga maipagmamalaking galing nating mga Pinoy ang likas nating talento pagdating sa musika. Hindi lamang sa kantahan, kundi pati na rin sa pagtugtog ng iba’t ibang instrumento.

Tulad na lang ng bayan ng Basista sa Pangasinan, kung saan matatagpuan ang sampung iba’t ibang orkestra, o grupo ng mga musikero na kumpleto sa mga instrumento. Sila yung kalimitang napapanood natin na tumutugtog sa mga piyesta o di kaya tuwing ihahatid na sa sementeryo ang patay. Sa isang pamilya lang daw nagsimula ang mga orkestrang ito noong 1950s --- sa pamilya Caranto. Pero sa paglipas ng panahon, lumaki ang Caranto family at nagkaroon na rin sila ng sari-sariling pamilya. Hanggang sa nagtayo na rin sila ng kanya-kanyang orkestra. Dahil sa pagdami nilang ito, itinuring na ang bayan ng Basista, bilang “Orchestra Capital ng Pilipinas."

Pero ang galing ng mga Pilipino sa musika, makikita na rin sa mga batang Pilipino. Gaya na lang ng mga bata sa Philippine Montessori Center Instrumental Ensemble na may edad apat hanggang anim na taong gulang. Sa mura nilang edad, pinahanga na nila ang kanilang mga manonood, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa Amerika!

Muli nating tunghayan ang husay nating mga Pinoy sa larangan ng musika.
Go to comments



Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement