GMA News Online
Showbiz

Marky Cielo finally gets to use house and lot he won in StarStruck

May 12, 2008 10:13am
Dinalaw naming muli ang taping ng Kaputol ng Isang Awit at naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marky Cielo na namamahinga sa isa sa rooms sa isa sa mga bahay na regulary ay ginagawang location para sa soap, sa bahaging yun ng Vista Real Subdivision sa may Commonwealth, Quezon City.

Patapos na raw ang kanilang soap. By June na ang last telecast nito, at kahit paano, nakararamdam si Marky ng konting lungkot.

"Kasi, maganda ang samahan namin sa taping. Nagkaroon ako ng close friends dito, like Jolo [Revilla], Lovi [Poe] and Glaiza [de Castro]. Bawat taping day ay parang outing sa aming apat, and we look forward sa aming pagkikita.

"At ang role ko rito, isang recording executive kaya medyo serious, mature na. Hindi ako rito yung typical bagets na napapanood sa ibang shows, kaya kahit paano, napatunayan kong kaya ko nang gumanap ng roles na hindi kailangang magpa-cute ako," nasabi pa ni Marky.

Kahit nga ganoon ay tanggap pa rin ng fans niya ang aktor. Ang proof nito ay ang consistency sa pagiging top-rater ng Kaputol ng Isang Awit at isa ito sa shows ng GMA 7 na may matinding following.

SUCCESSFUL.
Isa si Marky sa maituturing na baguhang hindi pa man sumisikat nang husto ay successful na. Kasi nga raw, naisasaayos nang mabuti ang finances nito.

"Hindi ko pa naman nararamdaman na successful na ako," very humble na nasabi ni Marky. "Kahit naman sabihing malakas ang raket ko, yung gusto kong ma-achieve bilang artista, hindi ko pa naaabot yun.

"Gusto kong magtagal sa showbiz. Kaya ang dapat kong gawin ay magsikap pa, pagbutihan ang magagawa ko para sa career ko. Marami pa akong dapat patunayan para maramdaman kong successful ako sa field na ito," nangingiting pahayag ni Marky.

Yung house and lot na napanalunan niya sa StarStruck noon ay ngayon lang daw naaasikaso at unti-unti na ito napapaganda.

"Ngayon na nagagamit yung ipon namin para makabili ng mga gamit sa bahay, para makumpleto ang interior ng house.

"Nagustuhan ko na talaga ang bahay, pati yung location, sa may Antipolo. Sabi nga ng iba, part na raw ng Angono yun, pero overlooking kasi, nakikita yung cityscape, lalo na sa gabi.

"Relaxing kahit paano, kaya nagustuhan kong ipagpundar ng mga gamit at gawin nang tirahan talaga. Kaya lang, matrapik ang area lalo kung rush hour. Kung may commitment ako, two hours before call time, kailangang umalis na ako ng bahay.

"Ganoon kalala ang traffic, pero ang balak ko, kumuha ng isang condo unit dito sa Quezon City para medyo mapalapit, kung sakaling alanganing umuwi pa ako," pahayag ng aktor.

DANCING TO THE BEAT and GROOVE.
Out of character nga si Marky kung bigla siyang pakakantahin at pasasayawin sa Kaputol ng Isang Awit, bumabawi na lang siya sa ibang guestings niya sa TV at mall shows.

"I really love dancing. Part na 'yan ng life ko. Maski noong nag-aaral pa ako sa St. Louis University sa Baguio, member ako ng dance troupe, talagang sayaw ako nang sayaw.

"Maski ngayon, naglalakad lang ako, 'pag naramdaman ko'ng beat and groove, sasayaw talaga ako. Nare-realize ko, pinagtitinginan na ako ng mga tao.

"Para nga raw naglalaro lang ako 'pag nagsasayaw. kasi nga, ini-enjoy ko lang," sabi pa ni Marky.

MORE WORKSHOPS. Isa sa most talented discoveries ng StarStruck si Marky, at pati sa acting, medyo advance ang dating niya.

"Gusto ko pa ring mag-workshop. Parang kulang pa kasi. Para sa continuous practice 'yan. Parang pag-aaral talaga.

"Nakakatulong talaga yung exposures sa TV, pero mas gusto ko talaga, yung mas challenging pa. Dito talaga ako nakatutok, sa mga magagawa ko bilang artista, kaya medyo boring nga para sa iba.

"Walang masyadong tsismis sa akin. Hindi nga raw ako interesting," naibiro pa ni Marky. - Philippine Entertainment Portal
Go to comments