ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Poultry farm vs. resort dispute settled by Imbestigador


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 24, 2008 Saturday, 9:30 p.m. In one barangay, two businesses are fighting it out for space: a poultry farm and a leisure resort. The location in dispute is an industrial zone. The poultry farms have been occupying the said zone for two decades while the resort was only established four years ago. One man took it upon himself to make the decision: the barangay captain. The barangay captain's decision: the leisure resort wins. He also made it a point to stop the poultry farms' operations. The barangay captain's armed men have been apprehending and threatening the poultry farms' delivery trucks for the past two months. All of this was caught by Imbestigador's cameras. Upon investigation, Imbestigador discovered that the resort's owner is the barangay captain's sibling. No wonder, the barangay captain has been exhausting all means to stop the poultry raisers even if they were legally operating in their rightful location. Nabukong Buko Pie A particular brand of buko pie is sold cheap in the market. And Imbestigador finds out the reason: the buko pies were baked in a filthy junk shop! Botya, Nabokya In one their city-wide operations, the National Meat Inspection Service and Imbestigador confiscated tons of "hot meat" which did not pass the NMIS standards and imported cows that were illegally imported in the country. Abusong Todo-todo Two brothers sought the help of Imbestigador after escaping from their home. According to the brothers, their father not only beats them up but also molests their two sisters. Imbestigador teams up with the DSWD and the police to stop the abusive father.
Dalawang uri ng negosyo ang nagsasabong sa isang barangay. Kailangan daw magdesisyon ni kapitan kung sino ang dapat paboran – ang mga poultry raisers o ang isang resort. Industrial zone ang kategorya ng lugar. Dalawang dekada nang nakatayo ang mga manukan samantalang apat na taon pa lang mula nang itayo ang resort. Nang bumaba ang sentensiya ni kap, panalo ang resort at talo ang mga manukan. Si kap na ang humatol at siya na rin ang nagpapatupad nang pagpapatigil sa mga manukan. Hinaharang ng mga armado niyang tauhan ang mga delivery truck. Minsan binubutas pa nila ang mga gulong nito at kung anu-anong pananakot ang kanilang ginagawa sa mga tauhan at may-ari ng mga manukan sa nakalipas na dalawang buwan. Mismong kamera ng Imbestigador ang nakasaksi sa mga pananakot at panghaharang na ito. Sa pag-iimbestiga ng nag-iisang Sumbungan ng Bayan, nalamang kapatid pala ni kap ang may-ari ng resort. Kaya pala kahit wala na sa lugar, hinaharang niya ang mga ligal na poultry raisers na kung tutuusin ay ligal naman sa kanilang kinatitirikan. Nabukong Buko Pie Mura ang presyo ng buko pie mula sa isang pagawaan. Pero nabisto ng Imbestigador na sa kanilang pamamaraan, mapapamura ang sinumang makakakita – dugyot na junk shop ang pagawaan ng buko pie at nakalilimahid ang kanilang lugar. Botya, Nabokya Sa malawakang operasyon ng National Meat Inspection Service at Imbestigador, tone-toneladang “hot meat" ang nasabat. Wala itong permiso at tatak ng NMIS, hindi pasado ang kalidad nito sa linis at pagkatay. Kasama rin sa mga nasabat ang mga botya o double dead at mga imported na baka na iligal ang pagpasok sa ating bansa. Abusong Todo-todo Tinakasan ng dalawang lalaking magkapatid ang kalupitan ng kanilang ama. Isinumbong nila sa DSWD ang pananakit sa kanila. Isiniwalat din nilang minomolestiya ng kanilang ama at tiyuhin ang dalawa nilang kapatid na babae. Nagsanib puwersa ang DSWD, pulis at Imestigador para itigil na ang pang-aabuso sa magkakapatid. Sulpo, Pampatibay? Ang mala-bulateng sulpo na kasing –laki ng daliri ng tao ay sikat sa mga taga-Prieto Diaz sa Sorsogon bilang pampalakas ng tuhod. Mahuhuli ang mga sulpo sa dalampasigan habang low-tide. Kapag hinawakan daw ang sulpo, humahaba ito at tumitigas at saka iniluluto. Kilala raw ito bilang soup number 5 sa Bicol na nakakapagpalakas daw ng pagkalalaki. May katotohanan nga kaya ito?
Tags: imbestigador