ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Imbestigador saves extremely tortured boy!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 31, 2008 Saturday, 9:30 p.m. This Saturday, Imbestigador uncovers the story of a 4-year-old boy whose life was a living hell. Jepoy is held captive inside a small, hot, dark room. His feet are tied and secured to the ceiling, his body full of scars and wounds. As if these are not enough, sometimes a sack of rice is placed on his back while he is hung. Unable to move and even to breathe, Jepoy could easily be mistaken for a kidnap victim. Yet his captors are not strangers. Jason is tormented by his own mother and kid sister. They leave Jepoy in suspended state as they spend their day away from home. Jepoy’s mom gambles while his sister plays on the street. What could a four year old have done to deserve such extreme torture?
Nakagapos ang mga paa, nakatali sa kisame, may sako ng bigas na nakapatong sa likod, nadadaganan ng kutson at banig ang katawan. Ito ang kasindak-sindak na eksenang nakunan ng kamera ng Imbestigador. Ang mas nakagigimbal, ang biktimang naabutan sa kaawa-awang kalagayan -- apat na taong gulang na bata! Sa napakamurang edad ni “Jepoy", torture ang kanyang inabot sa loob ng mala-bartolinang kuwarto sa Cavite. Tadtad ng peklat at sugat ang kanyang musmos na katawan - magmula sa mukha, braso, hita at paa. Halos hindi na rin pantay ang bunbunan ng bata at tila hindi na rin siya humihinga. Kung inaakala ninyong na-kidnap ang bata o di kaya’y pinahihirapan ng ibang tao, nagkakamali kayo. Ang kalbaryong pinagdaraanan ni “Jepoy" mismong sa tahanan niya nangyayari! Ang masakit pa, ang sariling ina at siyam na taong gulang na ate ang may kagagawan ng pasakit na dinaranas ni “Jepoy"! Iniiwan siya sa ganitong kalagayan habang nagsusugal ang ina at nakikipaglaro naman ang kaniyang ate sa ibang mga bata. Huli na kaya ang lahat o maililigtas pa ng Sumbungan ng Bayan ang buhay ng batang tila pinagsukluban ng tadhana?
Tags: imbestigador