ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Young Blacksmiths


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on June 6, 2008 Friday night, after Saksi YOUNG BLACKSMITHS Sitio Pandayan, Barangay Gabon, Calasiao, Pangasinan has been home to well-known daggers, knives, samurai and other types of swords. 70% of its residents are experienced blacksmiths, including the young inhabitants in the area who practice it for a living. Leonard has been one of those who were exposed to the danger of this job, since the age of 15. His younger brother is no different, as he began to wield steel when he was still 5 years old. Their father is also a blacksmith, but now found it difficult to continue with this kind of work, due to thick corns which had developed on his hands. Leonard unfortunately had lost two of his fingers after a dagger accidentally slipped off his hands. The peril and risks facing the young blacksmiths of Pangasinan, this Friday on Emergency. FROM A SIMPLE MISHAP A simple accident could lead to greater harm, if not given proper attention and care. This was the lesson learned by Natividad when she failed to secure treatment for the wound she got from a motor accident, five years ago. The wound got worse and as a result, she was amputated. Fifteen year old Marjorie is now humpbacked after falling from stairs when she was still five years old. What used to be small lumps are now similar to big boulders which appeared on her back and chest. Find out the stories of people who had simple accidents which turned out to become a lifetime misery.
MGA BATANG PANDAY Ang Sitio Pandayan, Bgy. Gabon, Calasiao, Pangasinan ay kilalang pagawaan ng mga itak, kutsilyo, samurai at iba pang patalim. 70% ng mga residente rito ay pagpapanday ang ikinabubuhay. Hindi rin nakapagtatakang halos lahat na ng mga kabataan dito’y napapasabak na rin sa ganitong mga gawain. Maagang nalantad sa ganitong trabaho sina Leonard, kinse anyos at ang kapatid niyang si Jason, sampung toang gulang. Ang buong pamilya nila ay nagpapanday. Pero ang tatay nila, hirap nang magtrabaho dahil sa kapal ng kalyo sa kamay. Naramdaman na rin ni Leonard na mapahamak sa uri ng kanilang trabaho matapos siyang mawalan ng dalawang daliri nang minsang madulas ang hinihinang na itak at ang kaniyang kamay ang naisangkalan. Sisiyasatin ng Emergency ang peligrong kinakaharap ng mga batang panday. MULA SA SIMPLENG DISGRASYA Ang isang simpleng disgrasya… maaring mauuwi sa mas malalang kapamahakan kung pababayaan… Ito ang natutuan ni Natividad noong maaksidente siya limang taon na ang nakararaan. Nabangga siya ng isang motorsiklo na nagdulot ng sugat sa kanyang paa. Hindi niya ito agad pinagamot at makalipas ang ilang taon, nabulok ang nabugbog na laman. At sa huli kinailangang putulin ang kanyang paa. Nakuba naman ngayon ang likod ng labingpitong taon na si Marjorie matapos niyang mahulog sa hagdan noong limang taong gulang pa lang siya. Ang dating maliit na bukol, ngayo’y parang malaking batong umumbok sa kanyang likod at dibdib. Alamin ang kwento ng mga biktima ng mga simpleng aksidente na nauwi sa panghabangbuhay na parusa. KAKAIBANG MGA DALIRI Pilit na itinatago ni Ariel Balingit sa paningin ng ibang tao ang kaniyang daliri. Dahil sa kakaibang laki nito, di maiwasang pag-initan ng iba. Ipinanganak kasi siyang may mga daliring jumbo hotdog ang laki. Mala-longganisa naman ang anyo ng kamay at kanang paa ni Sarah. Sa kanyang kanang kamay magkadikit ang kanyang 2 daliri at sa kaliwa, kulang naman ng isa. Si Thomas Angelo naman, ipinanganak na walang kuko at may dikit dikit na daliri. Bukod sa kamay, pati ang kanyang paa ay napagkaitan, wala itong mga hinlalaki at kuko. IHuwag palalampasin ang Emergency, Hunyo 6, 2008, pagkatapos ng Saksi.
Tags: emergency