Connect with GMA News:
Google+1 us
GMA News Online Videos

Pangangatay ng manta ray at devil ray sa isla ng Pamilacan

Sa isla ng Pamilacan, ilang residente ang nagkakatay ng malalaking isda gaya ng devil ray at manta ray. Alam man nilang ipinagbabawal ito, ginagawa pa rin nila ito para pagkunan ng pangkabuhayan. (Date aired: May 23, 2012)

Enrile: Pagtanggal sa pwesto ang parusa sa mapapatunayang guilty sa impeachment trial

Malapit nang magpasya ang mga Senator-Judge tungkol sa reklamong impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona. Sakali mang hindi ma-abswelto, ano nga ba ang nakasaad sa batas pagdating naman sa ipapataw na parusa sa isang mapapatunayang nagkasala sa impeachment trial?

3 miyembro umano ng gun running syndicate, arestado sa Davao del Sur

Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng gun running syndicate sa Santa Cruz, Davao del Sur. Nagtangka pa raw tumakas ang mga suspek kaya nagkabarilan.

Chika Minute: Heart Evangelista, nali-link kina Sid Lucero, Chiz Escudero, at PNoy

Ngayong single na naman si Heart Evangelista, hindi maiiwasang ma-link siya sa ilang personalidad, mula sa "Legacy" co-star na si Sid Lucero, at pati kina Senador Chiz Escudero at Pangulong Aquino. Si Heart, may paglilinaw.

GSIS Family Bank, nanatiling matatag, base sa pagsisiyasat ng Kamara

Lumabas sa imbestigasyon ng Kamara na nanatiling matatag ang Government Service Insurance System o GSIS Family Bank sa executive session ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries. Ipinakita ng matataas na opisyal ng GSIS Family Bank ang record nito para patunayang kumikita pa ang bangko.

Chika Minute: Alma Moreno, tatakbo bilang senador sa 2013

Pormal nang in-announce ni Alma Moreno na tatakbo siya bilang senador sa 2013 elections. Suportado si "Ness" ng mga anak niyang sina Wynwyn Marquez at Vandolph na nagkwento namang bumubuti na raw ang kalusugan ng Daddy niyang si Dolphy.

Pedestrian lane sa tapat ng paaralan, pininturahan

Mahigit isang linggo na lang, pasukan na naman. Kaya ang ilang kalsada sa Quezon City, pati pedestrian lanes malapit sa mga paaralan, isinasaayos na.

CJ Corona, dumating sa Senado kasama ang isang medical team

Nag-sorry si Chief Justice Renato Corona dahil sa biglaang pag-alis niya sa pagdinig nitong Martes. Sumama lang daw talaga ang pakiramdam niya noon. Kanina, isang medical team ang kasama ng Punong Mahistrado sa muli niyang pagtestigo.

Lalaking inalok ng murang iPhone, tinakbuhan matapos makabayad

Isang lalaking binentahan ng dalawang murang iPhone. Pero nang siya'y makabayad na, tinakbuhan siya ng nagbebenta.