Prosec: Dapat idineklara ni CJ Corona ang $2.4M dollar account
Sa huling argumento bago magbaba ng hatol, nanindigan ang prosekusyon: dapat daw idineklara ni Chief Justice Corona sa kanyang SALN ang kanyang dollar account. Pero nanindigan din ang depensa, hindi raw sapat ang mga batayan para parusahan ng pagpapatalsik sa pwesto ang Punong Mahistrado.