Connect with GMA News:
Google+1 us
GMA News Online Videos » GMA 7 Shows

  • Lolong itinuturong rapist, huli sa 'Imbestigador'

    Sa loob ng 24 na oras matapos ang insidente ng panghahalay, maaari pang hulihin ng walang warrant ang salarin. Ang 12 anyos na biktima ng panghahalay na lumapit sa tanggapan ng Sumbungan ng Bayan, may 12 oras na ang nakararaan nang mangyari raw sa kanya ang krimen. Ang itinuturong suspek—lolo raw ng biktima. Nanguna ang CIDG Wako kasama ang Pasig SWAT team sa matagumpay na paghuli sa suspek. (Date Aired: Oct. 21, 2012)
  • Mga menor de edad na nailigtas ng Imbestigador, kamustahin

    Ating kamustahin ang ilang kabataang nailigtas ng Imbestigador mula sa pang-aabuso at krimen. Kamusta na kaya ang mga buhay nila ngayon? (Date aired: October 7, 2012)
  • Dream house na bitak-bitak, naging bangungot na

    Reklamo ng ilang homeowners sa isang subdivision, ang ipinatayong dream house, mistulang naging bangungot na ng pamilya. Ang mga ilaw, nagiging gripo 'pag tag-ulan. At kahit walang lindol, nagbitak-bitak na ang pader mula kisame hanggang sahig! (Date aired: Sept. 23, 2012)
  • Ilegal na pagtuturok ng steroids sa ilang gym, nabisto

    Uso raw ngayon ang pagpapalaki ng katawan lalu na sa mga kalalakihan. Pero sa ilang gym sa Laguna, nalamang may ilegal na pagtuturok pala ng steroids na inaalok sa kanilang mga parokyano. Paalala naman ng DOH, masama ang epekto ng pang-aabuso ng steroids sa katawan ng tao. (Date aired: Sept. 2, 2012)
  • Ilang patis at bagoong, may halo raw na nakalalasong butete

    Sa Navotas Fish Port, nabisto ang isang pagawaan ng patis at bagoong na kapansin-pansing marumi raw ang paggawa. Dagdag pa rito, naghahalo rin daw ng nakalalasong isdang butete sa patis nila! (Date aired: August 26, 2012)
  • Dugyot na panaderya sa Cabanatuan, sinalakay ng mga otoridad

    Isang panaderya sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang sinalakay ng Imbestigador matapos makita ang kadugyutan ng pagawaan. Nakitang ang mga produktong tinapay, nakalapag lang sa sahig, at marami sa mga ito, nilalangaw at dinadapuan ng mga bubuyog! (Date aired: August 19, 2012)
  • Nakalalason na butete, idinadaing at ibinebenta sa Albay

    Sa Albay, talamak daw ang pagbebenta at pagdadaing ng isdang pufferfish o butete. Ngunit ilang beses nang nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nakalalason at nakamamatay ang isdang ito. (Date aired: August 5, 2012)
  • Murang gadgets na ibinebenta kuno sa murang halaga, nasaan na?

    Isang nagpapanggap na tauhan ng Bureau of Customs ang target ng mga operatiba matapos manloko ng ilang taong bumili sa kanya ng ilang high tech gadgets sa murang halaga. Matapos matanggap ang bayad, ang pekeng tauhan ng Customs, naglaho na parang bula! (Date aired: July 28, 2012)
  • Pekeng fabric conditioner at dishwashing liquid, ibinebenta sa ilang palengke

    Isang alyas "Pitong" ang nabisto ng Imbestigador na namemeke ng ilang sikat na fabric conditioner at dishwashing liquid at nagbebenta nito sa murang halaga. (Date aired: July 21, 2012)
  • Kamatis, retokado at ginagamitan ng 'magic liquid'

    Nabisto ang ilang nagtitinda ng kamatis na gumagamit ng "magic liquid" para raw magmukhang makintab at hinog ang mga paninda. (Date aired: July 14, 2012)