Connect with GMA News:
Google+1 us
GMA News Online Videos » GMA 7 Shows


Sa oras ng disgrasya, walang tunay na ambulansya

Bagaman mahalaga, hindi lahat ng Baranggay sa bansa ay may sariling ambulansya. Sa Baranggay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan na may higit 100,000 na residente, iisa lang ang ambulansya dito. Dahil nag-iisa, bugbog na bugbog na ito sa pagkakagamit at sirain. Sa halip na tunay na ambulansya, kaagapay na lang ng mga residente tuwing may emergency ang mobile unit ng baranggay. (Date Aired: May 24, 2012)

Tindahan naisahan ng salisi gang, huli sa akto ng CCTV

Huling-huli ng CCTV ang modus ng isang salisi gang na nakapagnakaw ng higit 11,000 Php halaga ng cellphone load. Nahagip ng CCTV ang panlilinglang na ginawa nila sa mga tindera gamit ang ilang ordinaryong bagay tulad ng payong at folder. Date Aired: May 17, 2012

Banggaan ng dalawang bangka sa isang bakasyunan, nakuhanan ng Youscooper

Sa kasagsagan ng bakasyon at summer outing, dalawang bangkang nagbanggan ang nakuhanan ng isang Youscooper habang nagbabakasyon sa Matabungkay beach sa Batangas. Tampok sa video ang walang pag-aatubiling pagtulong ng ilang kalalakihan sa mga bata at matatandang lulan ng naaksidenteng bangka. (Date aired: May 10, 2012)

Youscoop sa Rescue: Dahil kahit sino pwedeng tumulong

Kilalanin ngayong Huwebes ang mga Youscoopers na bukod-tangi ang ipinadalang video at larawan, tulad ng Youscooper na saksi sa dalawang bangkang nagbanggaan sa Lian, Batangas. (Airing Date: 10 May 2012, 11:30 PM Pagkatapos ng Saksi)

Maliit na bato sanhi ng pagtilapon ng isang rider sa motor

Nadokumento ng Rescue ang paglapat ng pang-unang lunas sa isang rider na tumilapon mula sa kanyang sinaksakyang motor habang binabagtas ang Araneta Avenue sa Quezon City. Ang lungsod ng QC ang may pinakamataas na insidente ng aksidente sa motor kung saan higit 4,000 ang naitala noong taong 2011. (Date aired: 3 May 2012)

Mga anak ng kalye

Idinulog sa Rescue at sa DSWD ng mga residente ng Cainta, Rizal ang ilang kabataang pakalat-kalat sa daan. Ang mga batang ito, nakikitang nagso-solvent, naninigarilyo habang palaboy-laboy sa daan. Matuldukan na kaya ang peligrong araw-araw nilang hinaharap ng mga batang anak ng kalye? (Date aired: March 29, 2012)

Mga menor de edad sa KTV bar, nailigtas

Isang menor de edad na nagtatrabaho sa isang KTV bar sa Laguna ang nakatakas sa kanyang pinagtatrabahuan. Sa tulong ng Rescue, nailigtas niya ang iba pang kasama na naiwang nagtatrabaho roon. (Date aired: March 15, 2012)

Pagiging good samaritan sa daan

Kapag nakakita ka ng naaksidente sa daan, hihinto ka ba't tutulungan ang nasaktan o dadaanan mo lang ito't pababayaan? Isang babae ang nagpaka-good samaritan at tumulong sa isang motorcycle rider na nabundol ng truck. (Date aired: Feb. 23, 2012)

Binatang nakatikim ng talim ng peligro

Sa Valenzuela, isang lalaki ang nakatikim ng talim ng peligro nang siya'y makursunadahan at masaksak. Alamin kung paano siya sinaklolohan at tinulungan sa ospital. (Date aired: Feb. 16, 2012)

Mga dapat gawin kapag lumindol nang malakas

Matapos ang 6.9 magnitude na lindol na nangyari sa Visayas, ipakikita ng Rescue ang mga dapat gawin mara makaligtas sa mga ganitong uri ng banta ng kalikasan at makaiwas sa peligro. (Date aired: Feb. 9, 2012)