Connect with GMA News:
Google+1 us
GMA News Online Videos » GMA 7 Shows

  • Youscoop sa Rescue: Dahil kahit sino pwedeng tumulong

    Kilalanin ngayong Huwebes ang mga Youscoopers na bukod-tangi ang ipinadalang video at larawan, tulad ng Youscooper na saksi sa dalawang bangkang nagbanggaan sa Lian, Batangas. (Airing Date: 10 May 2012, 11:30 PM Pagkatapos ng Saksi)
  • Maliit na bato sanhi ng pagtilapon ng isang rider sa motor

    Nadokumento ng Rescue ang paglapat ng pang-unang lunas sa isang rider na tumilapon mula sa kanyang sinaksakyang motor habang binabagtas ang Araneta Avenue sa Quezon City. Ang lungsod ng QC ang may pinakamataas na insidente ng aksidente sa motor kung saan higit 4,000 ang naitala noong taong 2011. (Date aired: 3 May 2012)
  • Mga anak ng kalye

    Idinulog sa Rescue at sa DSWD ng mga residente ng Cainta, Rizal ang ilang kabataang pakalat-kalat sa daan. Ang mga batang ito, nakikitang nagso-solvent, naninigarilyo habang palaboy-laboy sa daan. Matuldukan na kaya ang peligrong araw-araw nilang hinaharap ng mga batang anak ng kalye? (Date aired: March 29, 2012)
  • Mga menor de edad sa KTV bar, nailigtas

    Isang menor de edad na nagtatrabaho sa isang KTV bar sa Laguna ang nakatakas sa kanyang pinagtatrabahuan. Sa tulong ng Rescue, nailigtas niya ang iba pang kasama na naiwang nagtatrabaho roon. (Date aired: March 15, 2012)
  • Pagiging good samaritan sa daan

    Kapag nakakita ka ng naaksidente sa daan, hihinto ka ba't tutulungan ang nasaktan o dadaanan mo lang ito't pababayaan? Isang babae ang nagpaka-good samaritan at tumulong sa isang motorcycle rider na nabundol ng truck. (Date aired: Feb. 23, 2012)
  • Binatang nakatikim ng talim ng peligro

    Sa Valenzuela, isang lalaki ang nakatikim ng talim ng peligro nang siya'y makursunadahan at masaksak. Alamin kung paano siya sinaklolohan at tinulungan sa ospital. (Date aired: Feb. 16, 2012)
  • Mga dapat gawin kapag lumindol nang malakas

    Matapos ang 6.9 magnitude na lindol na nangyari sa Visayas, ipakikita ng Rescue ang mga dapat gawin mara makaligtas sa mga ganitong uri ng banta ng kalikasan at makaiwas sa peligro. (Date aired: Feb. 9, 2012)
  • Outing ng mga kabataan sa waterfall ng Antipolo, nauwi sa trahedya

    Ang sana’y masayang outing ng ilang kabataan sa Antipolo, nauwi sa trahedya. Isa kasing 15-taong gulang na babae ang nalunod at hindi na nasagip pa ng kanyang mga kasama nang malunod. Panoorin ang "Rescue" tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi, sa GMA.
  • Peligro sa Pista ng Sto. Niño

    Isang lalaking nakainom ang nasagasaan ng trailer truck nang makipista ito nang lasing sa Tondo, Manila. Nasaksihan ng Rescue ang pagtulong sa kanya ng isang Good Samaritan na nagdala sa kanya sa ospital. (Date aired: Jan. 19, 2012)
  • Karahasan sa pista ng Sto. Niño sa 'Rescue'

    Sa kabila ng makulay na pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño, nagkaroon ng mga insidente ng karahasan. Panoorin ito sa RESCUE, ngayong Huwebes (Jan. 19, 2012) pagkatapos ng Saksi.