Balitang mula sa bayan, para sa bayan

Oarfish sa Southern Leyte

     

YouScooper: GMA News, YouScoop

Date Published: Aug 10, 2017


Dalawang patay na oarfish ang natagpuan ng mga mangingisda sa Saint Bernard, Southern Leyte noong Aug. 9. Nakita raw ng dalawang mangingisda ang mga oarfish sa PASAHIMAPA Mangrove Protected Area sa Sitio Ma. Socorro ng bandang 9 a.m. ng Agosto 9. Ayon kay Saint Bernard tourism officer Jane Araneta, 3.75 na metro at 20kg ang isang oarfish samantala 4 na metro at 50kg naman ang ikalawa. Sinuri ng Department of Agriculture at Bantay Dagat ang dalawang isda pero wala naman silang nakitang kakaiba, ani Jane Araneta. Inilibing na ang dalawang isda malapit sa mangrove park kung saan sila natagpuan.

Share your reports with us!
You can send your story (photos or videos) along with your contact number to the following social media accounts:
youscoop
Like YouScoop on Facebook