Balitang mula sa bayan, para sa bayan

Nasunog na bus sa NLEX

     

YouScooper: GMA News, YouScoop

Date Published: Dec 26, 2017


Nasunog ang isang bus kaninang madaling araw sa may bandang NLEX - Bocaue exit papuntang Manila, ayon kina YouScooper Mikko Bayani. Kita sa kanilang video ang pagliyab ng bus na nag-simula ng bandang 2:45 a.m. at idineklarang fire out ng 3:15 a.m. Ayon sa ulat ni GMA News reporter Victoria Tulad, bigla na lang sumiklab ang apoy sa isang gulong ng sasakyan. Sinubukan naman daw apulahin ng driver ng bus na si Rodrigo Manlapas ang apoy pero naubusan ng laman ang dala niyang fire extinguisher. Ligtas namang naibaba ang 45 na pasahero.

Share your reports with us!
You can send your story (photos or videos) along with your contact number to the following social media accounts:
youscoop
Like YouScoop on Facebook