NEWS

NEWS > Maricel Soriano, hindi ordinaryong kaeksena sa Protégé

Maricel Soriano, hindi ordinaryong kaeksena sa Protégé

Tue / Aug 28, 2012



Isang matinding acting challenge ang naging hamon sa mga protégés nitong nakaraang linggo, at ito ay ang makaeksena ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano sa isang short film. Ang nabuo nilang short films ay ipinalabas noong gala night at naging basehan ng mga judges sa kanilang pagboto.
 
In an interview with HOT TV, inilahad ni Marya masaya siyang makatulong sa mga nangangarap mag-artista sa pamamagitang ng mga acting challenges tulad nito.“Bawat sequence na ginawa namin, iba-iba yung storya. So maganda for them ang experience na yun,” kuwento niya.
 
Nakita rin ng batikang aktres na pursigido ang mga protégés na maabot ang kanilang mga pangarap at gagawin nila ang lahat para makamit ito. “Natuwa ako dun sa mga bagets kasi talagang ‘Wow!’ They are very dedicated, kaya nga congratulations sa mga mentors, ang galing-galing ninyo at ang galing-galing din ng mga bata. Wala akong masabi,” she explains.
 
Nagustuhan rin ng Diamond Star na tinutulungan ng mga artista ang mga nagnanais sumunod sa yapak nila. “Natuwa ako dahil nagsilbing inspirasyon ang mga artista sa kanila para gustuhin nilang pasukin ang pagiging artista,” Maricel shares.
 
Limang short films directed by award-winning director Brillante Mendoza ang ipinalabas noong fourth gala night at dito napanood ang acting skills na taglay ng bawat protégé. Sina Elle Ramirez, Andres Vasquez, Bryan Benedict, Mikoy Morales, and Zandra Summer ang nakatanggap ng special acting awards at automatic immunity sa naganap na elimination. Si Reese Tayag ng Northern and Central Luzon naman ang hindi pinalad na natanggal sa kompetisyon.
 
Alamin kung ano ang susunod na gagawin ng inyong favorite protégés sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break, only here on GMA-7. - Michelle Caligan, GMANetwork.com


 

MORE NEWS

» Download your Top 20 Proteges now!

Wed / Sep 12, 2012
Gusto nyo ba magkaroon ng remembrance ng inyong Top 20 Proteges? 

» Protégé ringtones, pwede nang i-download!

Fri / Aug 31, 2012
Can’t get enough of Protégé? Support your region or your favorite protégés by downloading these customized ringtones.

» Reese Tayag, pinakahuling natanggal sa Protégé

Tue / Aug 28, 2012
Isa na namang Protégé contestant ang umuwing luhaan sa nakaraang fourth gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong Linggo, August 26. 

» Protégé hopefuls Jeric at Arny, lalong nagkakalapit!

Tue / Aug 21, 2012
Sa showbiz at tunay na buhay, alam nating mahirap tuparin ang ipinapangakong pag-ibig sa tuwing susubukin ng pagkakataon. Matatandaan na nagkakaigihan ang dalawang Protégé  Southern Luzon hopefuls na sina Jeric Gonzales at Arny Ross. Gaano kaya kalalim ang paghanga nila sa isa’t isa?