Imbestigasyon ng GMA Network sa pagkakadawit ni DZBB anchor Melo del Prado sa PDAF scam, umuusad na | GMANetwork.com - Radio - Articles

Inaasahang matatapos at mai-a-anunsyo ang resulta ng imbestigasyon sa susunod na dalawang linggo.

Imbestigasyon ng GMA Network sa pagkakadawit ni DZBB anchor Melo del Prado sa PDAF scam, umuusad na

Bumuo na ang GMA Network ng panel na mag-iimbestiga sa mga ulat na isa si DZBB anchorman Melo del Prado sa mga miyembro ng media na tumanggap diumano ng pondo mula sa National Agri-Business Corporation o NABCOR, na umano'y galing sa itinuturing na utak ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles.
 
Ang panel ay binubuo nina Attorney Ed Santos, VP for Internal Audit ng GMA Network; Atty. Lyn Delfin, VP for Legal Affairs; at Atty. Gerrome Apolona, VP for Human Resources.
 
Inatasan ang panel na maging mabusisi at kumilos nang mabilis dahil malaking bagay para sa Network ang ethical at professional behavior, lalo na ang kredibilidad ng mga anchor person.
 
Sa naunang pahayag, tiniyak ng GMA Network na magsasagawa ito ng patas at walang kinikilingang imbestigasyon habang tinitiyak ang pag-iral ng due process. (I-click ang unang statement ng DZBB) 

 
Inaasahang matatapos at mai-a-anunsyo ang resulta ng imbestigasyon sa susunod na dalawang linggo.