Papa Carlo, pangarap maging boxer | GMANetwork.com - Radio - Articles

Riot sa katatawanan ang dinala ng DJs ng Barangay LS FM 97.1 noong April 23 sa Live Chat ng GMANetwork.com, lalong-lalo na si Papa Carlo na pumatok dahil napaka-effective niyang magpanggap bilang bading.

Papa Carlo, pangarap maging boxer


Riot sa katatawanan ang dinala ng DJs ng Barangay LS 97.1 noong April 23 sa Live Chat ng GMANetwork.com, lalong-lalo na si Papa Carlo na pumatok dahil napaka-effective niyang magpanggap bilang bading.

Sa sobrang galing niya, marami ang napapaniwala niyang listeners na gay talaga siya lalo na pag narinig ang kanyang pamatay na pick-up line, “Guwapo sa picture pero mas guwapo sa personnel.”

Pag-amin ni Papa Carlo, natutuhan niya mag-play na isang bading dahil sa kanyang kaibigan. “Natutuwa ako sa kanya noong una ko siyang na-meet, kasi akala ko tunay na bading siya. Hindi naman pala. Na-convince niya 'yung mga tao na baklang-bakla siya.”

Kaya naman naging peg ni Papa Carlo ang kanyang kaibigan to build his character sa radio. Sa husay niyang magpanggap na bading, maraming nalito at nag-akala na totoo ngang gay si Papa Carlo.

Kaya naman nang makausap namin siya, hindi na namin pinalampas ang pagkakataon na tanungin kung ano nga ba ang totoo.

At aming na-discover na lalaking-lalaki si Papa Carlo. Sa katunayan, kung hindi man daw siya naging DJ, baka naging boxer siya tulad ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Sa likod ng mga ngiti at tawanan nila sa Barangay LS, hindi sa lahat ng oras ay masaya at energetic ang mga DJ. Kaya mahalaga, sabi ni Papa Carlo, na isantabi ang mga personal na problema kapag on-air. Bukod dito malaking tulong din daw 'yung effects sa radio.

Paniwala ni Papa Carlo, patok sa radio listeners ang mga DJ ng Barangay LS dahil nakaka-relate daw ang mga ito. Sabi din niya, ibang klase ang kuwelang hatid nila kasi kahit wala mang kuwenta ang mga pinagsasabi nila ay nakatatawa pa rin ang mga ito.

Sa mga taong gustong maging DJ, ang payo ni Papa Carlo, “Aralin mo ang pagiging DJ, pakinggan mong lahat ang mga DJ para at least makahugot ka ng mga ideas.”

Mga Kabarangay patuloy, na suportahan ang Bida sa Barangay with Papa Carlo Mondays to Fridays (6 p.m.-9 p.m.) sa LS 97.1.

-Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com