Top 3 moving on tips from Ate Liza and Papa Baldo | GMANetwork.com - Radio - Articles

How do you heal a broken heart? Ate Liza and Papa Baldo dish out the best advice.

Top 3 moving on tips from Ate Liza and Papa Baldo

By AEDRIANNE ACAR
 
Patok na patok sa listeners ng DWLS 97.1 ang mga advice na ibinibigay ng mga radio jock lalong-lalo na kapag ang usapin ay about love and relationship.


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kaya naman nang makapanayam ng GMANetwork.com sina Ate Liza ng Radyo Nobela  at Papa Baldo ng Three Play, hiningan namin sila ng mga payo sa isa sa pinaka-popular na topic sa mga Pinoy: Ang best solution para sa pusong sawi.  

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

1. Humingi ng tulong mula sa pamilya at mga kaibigan
Nakaka-relate daw ang showbiz insider ng Barangay LS na si Ate Liza dahil isang kaibigan niya ang kagagaling lang sa break-up.  She is supporting and keeping tabs on her friend up to now.

“Sa tingin ko para sa mga kaka-break lang kailangan mong mag-reach out to the people who matter in your life - friends, family. Mag-connect ka if it’s your religion na nagpapatibay sa iyo. Reconnect with that, kasi kailangan mong maghanap ng sources of strength bukod sa sarili mo.”


2. Huwag pabayaan ang sarili
Si Papa Baldo ay naniniwala sa kasabihang ang best revenge ay ang makita ka ng ex mo na hindi ka apektado sa break-up.

“Huwag mong pababayaan ang sarili mo. May iba kasi na pag nakipag-break parang wala na -- mukhang losyang. Tapos (ang sinasabi), ‘Ayaw ko (nang) mag-ayos, bahala nang makita ako nang ganito para ma-guilty siya’.”

“Nakakainis kasi ‘yun dahil parang hindi mo inuuna yung sarili mo. At saka mas malaking revenge ‘yung nakita kang masaya at maganda pa rin,” dagdag niya.


3. Ibaling ang atensyon sa ibang bagay
Ayon kay Para Baldo, mahirap man, kailangang matutuhan ng mga Kabarangay natin na sawi sa pag-ibig na ibaling ang atensyon nila sa ibang bagay.

“You have to find ways. Kahit imposible, you have to! Kasi nga hindi natatapos doon ‘yung buhay, sa pagiging sawi natin sa pag-ibig.”

Tandaan, ani Papa Baldo, nabigo ka man, there is always another chance for you to find true love.

“Isipin mo na lang na humihinga ka pa at nandito ka pa sa mundo. Ibig sabihin may pag-asa ka pa -- sobrang daming pag-asa,” saad niya.