Maki-rakrakan sa Barangay LS sa June 28! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kung hindi nyo pa napapanood ang inyong Barangay LS DJs na nakiki-jam sa stage kasama ang magagaling na artists ng bansa, hindi nyo dapat palampasin ang Tugstugan sa Malolos Concert - The Grand Fans Day. 

Maki-rakrakan sa Barangay LS sa June 28!

BY AEDRIANNE ACAR
 


Walang sawa nyo silang pinakikinggan sa radyo araw-araw.

Minsan nyo na silang nakita at naka-chat  online.

Pero napanood nyo na ba ang inyong Barangay LS DJs na nakiki-jamming sa stage kasama ang magagaling na artists ng bansa?

Kung ang sagot ay hindi pa, lalong hindi nyo dapat palampasin ang Tugstugan sa Malolos Concert - The Grand Fans Day sa June 28 sa KB Gym ng Malolos, Bulacan.

Bukod sa meet and greet with the DJs ng Barangay LS at sa kanilang kaabang-abang na performance, makiki-party rin all night long sina Jay R, Freestyle, Silent Sanctuary, Jireh Lim, Kley Band, Ferolla, Salbakuta, Mica Javier, Angkol Bob at marami pang iba.

Ayon ay Mama Cy, DWLS jock at events manager, gaganapin ang Grand Fans Day dahil sa “insistent public demand” ang Barangay LS listeners.

“Gusto rin talaga nilang makita ‘yung Barangay LS DJs. Although mayroon tayong mga  Pistahang Barangay, within the Metro lang kasi ‘yun eh and hindi lahat ng DJ’s ay present. Dito, talagang lahat whether magpe-perform sila o magho-host, andoon sila and mayroon din ‘tong meet and greet,” aniya.

Pasasalamat din daw ito sa fans, ayon kay Sugar and Spice jock Mama Belle, para sa walang sawang suporta nila sa DWLS 97.1.

“Parang eye ball-eye ball na ‘yun so magandang experience para sa lahat ng mga Kabarangay namin at tagapakinig, at the same time sa amin din siyempre na napapakingan nila,” ani Mama Belle.

Hindi nga raw makakalimutan ni Mama Belle ang first Fans Day nila dahil todo-todo ang ginawa niyang performance. Bumirit siya noon ala-Adele: “Yung first was a blast! Kasi first time namin mag-show. Tapos ang ginawa ko doon kasi kumanta ako ng Rolling in the Deep. Imagine, sobrang taas ng song na ‘yun! At saka Love on Top, tapos sumayaw pa ako. Ang saya-saya talaga.”

Ayon kay Mama Cy, pinahahalagahan ng DWLS 97.1 ang kanilang listeners above everything else.

“We are trying our best na ma-please talaga sila…Siyempre gusto rin namin na makahakot ng ibang listeners pa na they are missing half of their life dahil hindi sila nakikinig sa Barangay LS,” dagdag niya.