Vote DWLS into the Hall of Fame at the 2014 Yahoo Celebrity Awards! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nominated for the third time ang DWLS 97.1 as Best FM Radio Station of the Year sa 2014 Yahoo Celebrity Awards at walang duda na karapat-dapat itong manalo ulit.

Vote DWLS into the Hall of Fame at the 2014 Yahoo Celebrity Awards!

By AEDRIANNE ACAR
 


Nominated for the third time ang DWLS 97.1 as Best FM Radio Station of the Year sa 2014 Yahoo Celebrity Awards at walang duda na karapat-dapat itong manalo ulit.

Malaking bagay para sa buong DWLS team, ayon kay Papa Obet, kung saka-sakaling manalo sila ulit.

“Siguro kung makukuha natin ‘yung pangatlong best that it will be Grand Slam -- sabi nga nila three-peat. Siguro napakalaking bagay kasi pag nakuha natin ‘to. Hindi na tayo mano-nominee next year kasi  Hall of Famer na tayo,” aniya.

Team effort nga raw, sabi ng cute jock, ang campaign nila para manalo sa Yahoo Celebrity Awards at nakakataba  raw ng puso na mapasama sa listahan ng nominees.

“Well, kami talagang nagpu-push hanggang sa makakaya namin, hanggang sa kung ano ang magagawa natin - ng buong network,  buong LS team at lahat ng fans na bumoto ay ginagawa natin ‘yung best natin hanggang sa makakaya natin.”

“Being a nominee eh malaking karangalan kasi ibig sabihin noon tayo ang mas pinag-uusapan at mas napili ng Yahoo para isali sa ganyang prestigious award-giving body,” dagdag ni Papa Obet.

Para naman sa sweet and sassy lady ng DWLS na si Mama Belle, wala nang hahanapin pa ang mga listeners, dahil aniya nasa Barangay LS na ang lahat.

“We are the friendliest radio station and siyempre pinapatugtog namin ang mga gusto niyong songs and nasa amin na ang lahat. ‘Yun nga kasi, vinote niyo kami for the past two years so ibig sabihin naniniwala kayo sa amin,” aniya.

Show your love, DWLS Nation, and vote Barangay LS as the Best FM Radio Station in the 2014 Yahoo Celebrity Awards.